[Jace's POV] Hindi ko na alam ang gagawin ko nung umamin ako kay Leigh kaya umalis nalang ako bigla. Simula rin nung araw na yun hindi na kami nagkita pa. Binilin ko nalang din kasi siya kay Dex na ihatid siya nung gabing yun. "Uy pre, punta raw tayo sa bahay nila kuya Adam." yaya sakin ni Clyde "Ngayon?" tanong ko sakanila. Sabado naman kasi ngayon so walang gagawin. "Oo. Tara na." "Kasama yung mga girls?" ayoko kasi makita si Leigh eh. Nahihiya ako. "Tss. Malamang. Nandun si ate gee eh. Walang mangyayari kung iiwasan mo lang siya. Nako! Magkaibigan pa rin naman kayo." sabi niya atsaka ako hinila patayo sa kama ko. Pinuntahan kasi talaga ako ng lokong ito para yayain. Sila Dex nauna na ata. "Oo na magbibihis na ako. Ayoko magdala ng kotse. Makikisakay nalang ako sayo." Tumango na

