Kinabukasan
Maaga akong gumising para tumulong magluto at maghain sa baba ngunit ng bumaba ako ay ni isa sa miyembro ng pamilya nila ang walang gising.
Tumingin ako sa relo nila na nakasabit sa sala.
"Alas syete na ng umaga medyo nalate na din ako ng gising dahil sa pagod ko sa biyahe pero mas malala pa pala sila sa akin." sambit ko nalang.
Bumalik na muna ako sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko. Tirik na ang araw dito sa maynila ngunit mahimbing pa din ang tulog ng pinsan kong si Ella. Binuksan ko ang bintana at sa paghawi ko ng kurtina ay naglabasan ang mga alikabok na naipon sa bintana. Habang sinisilip ko ang labas ay hindi ko namalayan na pumapasok na pala ang liwanag sa kwarto.
"Ano bayan!" galit na sigaw ni Ella sa likod ko.
Nagulat ako sa sigaw niya at bigla kong nahugot yung kurtina niya kaya mas lalong pumasok ang liwanag sa kwarto.
"Ang aga-aga pa Gianna! Peste naman!" galit na sigaw niya habang tumatayo sa kama niya.
"Pasensya na." sambit ko.
Umunat ng katawan si Ella at padabog na umalis ng kwarto.
"Hindi man lang nag ayos ng pinagtulugan niya." mahina kong sambit.
Dahil sa wala na si Ella sa kwarto ay binuksan ko na ng tuluyan yung bintana at iginilid ang kurtina para masikatan ako ng araw.
"Haaah!" nakangiti kong unat sabay biglang bahing. , "Mukhang mahaba-habang linisan 'to mamaya. Napaka raming basura sa loob at kalat-kalat ang gamit niya."
Binaling ko muli ang atensyon ko sa gamit ko at kinuha ang kwaderno ko kung saan nakalagay lahat ng mga importanteng impormasyon ukol sa pag aaral ko.
Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang mga litrato nila Inay at Itay. Hindi ko napigilan na lumuha habang inaalala ang aking mga magulang.
"Kamusta kaya sila Inay at Itay?" malungkot kong sambit.
Habang hinahalughog ko ang gamit ko ay nakita ko na may nakaipit na papel sa bag ko. Liham ito ni Inay sa akin. Binasa ko ito hanggang sa mas lalong nabasa ang mukha ko ng luha. Wala pa akong isang araw dito sa maynila ay na miss ko na agad si sila.
Binuksan ko ang isang pahina ng aking kwaderno at nakita ko doon ang mga ginawa kong schedule para sa enrollment. Ilang araw nalang pala ang lilipas at mag eenrolment na. Masyado ng akong matanda para sa edad ng 1st year college pero naniniwala ako na hindi batayan ang edad sa pagpupursigi mo sa pag aaral.
Pagkatapos kong halughugin ang mga gamit ko ay bumaba na ako para tumulong sa baba. Nakita kong nakaupo si Ella sa harap ng telebisyon at masayang nanunuod ng TV. Umupo ako sa tabi niya para makinood ng palabas ngunit bigla niyang pinatay ang TV at umakyat muli sa kanyang kwarto. Wala naman akong ginawang masaya sa kanya ngunit bakit parang sobrang gaspang ng ugali niya sa akin. Habang nakaupo ako sa sala ay nakita kong pababa na din ng hagdan si Tiya Marites.
"Tiya Magandang umaga po!" masayang bati ko sa kanya.
"Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya sa akin.
"Opo. Tiya may gagawin po ba tayo? Tulungan ko na po kayong mag luto ng umagahan," sambit ko sa kanya.
"Sige. Ikaw na ang magsaing. Marunong ka ba gumamit ng gas stove?" tanong ni Tiya sa akin.
"Hindi po. Kahoy lang po ang gamit namin sa bahay," sambit ko sa kanya.
"Sige ako na ang magbukas ng apoy para maituro ko sayo, Hugasan mo nalang muna yung mga plato sa lababo at pati na yung pag sasaingan natin,"
"Sige po!"
Agad kong ginawa ang mga pinag uutos ni Tiya Marites. Hinugasan ko ang kaldero at inilagay ang bigas dito tsaka ko binigay kay Tiya.
"Ganto ang pag gamit ng gas stove. Pihitin mo pakaliwa itong bilog na ito tapos ilagay mo sa gitna yung nguso niya para malaman mo yung lakas ng apoy. Kapag yung kanin ay hindi pa masyadong luto i-in-in mo na para hindi masunog ang kanin," sambit niya.
"Aaah ok po sige po,"
Mabilis kong natutunan ang pag gamit ng gas stove. Pagkatapos kong mag saing ay kinuha ko agad ang panghugas at naghugas na ako ng sankaterbang hugasin sa lababo. Masebo at mamantika pa ang iba dito kaya medyo mahirap hugasan.
"Tiya tapos na po ako maghugas ng pinggan. May ipapagawa pa po ba kayo sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Teka tingnan ko muna kung ano pang pwede mong gawin,"
"Sige po." sambit ko sa kanya.
Umakyat muli ako sa taas upang silipin kung anong ginagawa ni Ella. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ay nakita kong nakahilata na naman si Ella habang masayang gumagamit ng Cellphone niya.
"Ooh? Anong tinitingin-tingin mo diyan?" galit na sambit niya sa akin.
"Wala naman. Gusto mo ba tulungan na kitang mag linis ng kwarto mo?"
"Bahala ka!" sigaw niya sa akin.
Agad akong bumaba para itanong kung nasaan ang walis tambo nila Tiya at Pagkahanap ko nito ay agad din akong umakyat sa taas para mag simulang magwalis.
"Gusto mo ba labhan ko na yung kurtina ng kwarto mo para hindi na maalikabok?" malumanay na tanong ko kay Ella.
"Alam mo pakelamera ka na! Kakadating mo palang kung makaasta ka na dito kala mo ikaw may-ari ng kwartong to!" sigaw niya sa akin.
Tumungo lang ako sa kanya at hindi na muling nag salita pa pero hindi namin alam na si Tiya Marites pala ay nasa labas lang ng kwarto niya at nakikinig sa aming dalawa.
"Ella!" galit na sambit niya.
Agad na tumayo si Ella say kanyang kinahihigaan.
"Ma!" gulat na sambit niya.
"Ang aga-aga ganyan na naman ang ugali mo huh! Kung gustong mag linis ni Gia hayaan mo lang," sambit niya kay Ella.
"Fine! Basta wag niyang gagalawin ang mga gamit ko!" galit na sambit niya.
"Malamang hindi niya gagalawin yan," sabay tingin sa akin ni Tiya. , "Diba? Gia?" tanong niya.
"Opo Tiya, wala po akong gagalawin na gamit dito," sambit ko.
"Good! Halika na sa baba Ella at hayaan mo na si Gia mag linis dito sa kwarto mo,"
"Ok!"
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa ginawa ni Tiya na ako ang maglilinis mag isa ng kwarto ni Ella pero wala akong magagawa dahil nakikitira lang ako dito.
Unang araw ko sa bahay nila Tiya Marites ay sobrang nakakapagod!
Nag aagaw dilim na ng natapos kong maglinis ng kwarto ni Ella at magpalit ng kobre kama niya, punda ng unan, Maglaba ng kurtina at magtiklop ng mga gamit niyang nakakalat.
"Tapos na akong maglinis ng kwarto ni Ella." masayang sambit ko
Bumaba na ako sa kusina upang kumain ng agahan-tanghalian ko kasi hindi ko napansin ang oras at gutom ko dahil sa paglilinis ko sa nanlilimahid na dumi sa kwarto ni Ella.
Binuksan ko ang kaldero at nakita kong tutong nalang ang natirang kanin at isang kapirasong tuyo ang naiwan sa la mesa. Hindi na ako umangal pa kaya kinain ko na ito dahil sa gutom ko. Pagkatapos kong kumain ng tanghalian ay nag saing na ako ng kanin.
Pagkatapos kong gumawa ng gawaing bahay ay naligo na ako.
Pagkalabas ko ng kasilyas ay may nakita akong lalaking kumakain sa la mesa. Medyo may natandaan na ito.
"Asawa siguro ito ni Tiya." mahinang sambit ko sabay akyat sa hagdan.
Napansin ko na naka titig ito sa akin habang papaayat ako ng hagdan kaya agad akong tumakbo papunta sa kwarto ni Ella.
"Buti wala si Ella. Makakapag bihis ako ng damit." sambit ko.
Nakalimutan kong ilock yung pinto habang nagbibihis ako. Habang nagsusuot ako ng pangbaba ko ay biglang bumukas ang pinto.
"Aaaah!" sigaw ko ng malakas.
Nagulat ako ng nakita ko yung lalaki sa baba na binuksan ang pinto ng silid ni Ella kaya agad akong naglagay muli ng twalya sa katawan ko.
"Pasensya kana. Akala ko kasi nandito si Ella, Nakita mo ba siya?" tanong nito sa akin.
"Hindi po," nanginginig kong sambit.
"Sa susunod kasi na mag bibihis ka mag lock ka ng pinto aah. Nakita ko tuloy yung napakinis mong katawan," nakangiting sambit nito.
"Pasensya na po," sambit ko sabay sarado ng pinto at lock nito.
Nanginginig pa din ang kalamnan ko kahit wala na siya sa harap ko. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito piling ko napakadumi ko ng babae dahil sa nakita niya ang katawan ko.
Nagmadali na akong nagbihis ng damit ko at sabay labas sa kwarto ni Ella. Hinanap ko sila ni Tiya Marites ngunit wala silang dalawa sa loob ng bahay kaya habang wala silang dalawa ay lumabas din ako ng bahay at umupo sa labas ng kanilang maliit na hardin.
Ayokong makasama mag isa yung lalaki kanina baka may mangyaring masama sa akin.
Lumipas ang isang oras ay dumating na din sina Tiya Marites at Ella dala-dala ang dalawang plastic ng pagkain.
"Tulungan ko na po kayo Tiya," sambit ko habang kinukuha ang kanyang dala.
"Salamat Gia. Ooh kunin mo na din itong dala ni Ella." sambit niya sa akin.
Ibinigay agad sa akin ni Ella yung dala-dala niyang plastik at agad silang pumasok sa loob ng bahay.
Sumunod ako sa kanila sa pag pasok sa loob.
"Ooh Honey nandito ka na pala?" malambing na tanong ni Tiya dun sa lalaki.
"Oo kanina pa ako nandito. Nakakain na din ako ng hapunan," sambit nito.
"Ganun ba? May binili pa naman kami ni Ella na lechong manok para ulam natin," sambit niya.
"Sige mamaya tingnan ko kung makakain pa ako." sambit nito habang nanunuod ng tv.
Binuksan na ni Tiya Marites ang mga pinamili nila at pinaghain na din ako ng pagkain.
"Ooh Gianna maghain kana at kakain na tayo," sambit ni Tiya sa akin.
"Sige po."
Agad akong nag ayos ng la mesa at nagsandok ng kanin.
Pagkatapos kong maghain ay umupo na ako sa la mesa para kumain muli.
"Masarap yung lechong manok Tiya," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Oo naman masarap yan. Eeh mahal ang bili ko diyan tiyak na hindi mo kayang bilhin," sambit nito sa akin.
Alam ko namang mahirap lang kami pero bakit pinaparamdam nyo sa akin na sobrang hirap namin?
"Aaah Tiya, Mag papaalam lang po ako sa susunod na araw enrolment na po kasi namin sa school. Ang kaso po ay hindi ko alam kung paano po ako pupunta doon sa University na papasukan ko," sambit ko sa kanya.
"Marunong ka naman sigurong magbasa ano iha?" sambit nito sa akin.
"Opo,"
"Ilang taon ka na ba Gianna?" tanong nito sa akin.
"20 na po." sambit ko.
"Ooh? Ang tanda mo na pala ano? Bakit ngayon ka lang nag aral ng kolehiyo?"
"Kulang po kasi sa pera ang Itay at Inay kaya natagalan po ako sa pag aaral ko,"
"Hayy nako talaga itong si Kuya Erning! Ayy siya sige ituturo ko sayo ang daan papunta sa iskwelahan mo," maarteng sambit ni Tiya sa akin.
"Maraming salamat po!" nakangiting sambit ko.
Kaunti lang ang kinain ko ng oras na ito dahil hindi pa ako masyadong gutom kasi kakain ko lang naman. Inantay kong matapos kumain si Ella tsaka ako nag hugas ng mga pinggan.
Pagkatapos ng nakakapagod na araw na ito ay umakyat na ako sa kwarto ni Ella para magpahinga.
Hindi ako agad natulog sa tabi ni Ella sapagkat rinig na rinig sa kabilang tenga ko ang landian nila ng boyfriend niya kaya sinubukan kong italukbong ang kumot ko tsaka ako nag concentrate na matulog.