EPISODE 14

1583 Words
Sumilay na ang inang araw at oras na para bumiyahe papunta ng iskwelahan. Habang nag lalakad kami papunta sa sakayan ng jeep ay nakita ko yung kakaklase naming lalaki na papasok sa isang computer shop. "Bakit hindi pa siya pumasok sa school?" sambit ko. "Huh?" nagtatakang tanong sa akin ni Dimple. "Alam mo yung lalaking laking nasa sulok tapos kung hindi absent sa school, late na pumapasok?" tanong ko sa kanya. "Aaahhh... Wait? Hmmm aah yung lalaking may sariling mundo?" "Grabe sa may sariling mundo? Oo yun nga," "Ooh anong meron sa kanya?" "Pumasok kasi siya sa computer shop ngayon nakita ko lang," "Ooh tapos?" "Wala lang naman sayang kasi yung tuition fee niya kung hindi naman siya mag papapasok," "Aaahh nag ke-care ka sa kanya ganun ba yun?" "Hindi naman sa ganun. Nanghihinayang lang ako sa effort ng magulang niya para pag aralin siya tapos sasayangin niua lang." "Yieeeh.. Gusto mo siya noh? Kaya ganyan ka?" pang aasar niya sa akin. "Gusto agad?" "Ooh ayan na yung jeep! Hayaan mo na yun malay mo wala ng mapaglagyan ng pera magulang niya kaya nag sasayang nalang," biro nito sa akin. Inilihis ko ang tingin ko sa kanya at sumakay na kami ng jeep papunta sa school. "Hindi ka ba napapagod sa routine mo Dimple?" tanong ko sa kanya. "Ako? Mapapagod? Saka na ako mapapagod kapag yumaman na ako," nakangiting sambit niya sa akin. "Sabay tayong yayaman!" nakangisi kong sambit sa kanya. "Oo! Sabay tayong yayaman!" Pagkatapos naming mag usap ni Dimple ay itinuon ko na ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro ko. Panibagong kaalaman na naman ang natutunan ko sa pagbabasa. Bakit nga ba sobrang purisigido akong mag aral at mag basa ng libro? Sa totoo lang kulang na kulang talaga ang pera namin para matugunan ang pag aaral ko kaya ako na ang gagawa ng paraan para sa pag aaral ko. Gagalingan ko pa para makakuha ako ng scholarship. "Sa tingin mo ba Dimple makakakuha ako ng scholarship sa school?" tanong ko sa kanya habang nagbabasa ako ng libro. "Syempre makakakuha ka ng scholarship kapag masipag kang mag aral, matalino ka tapos naipapasa mo lahat ng exam mo tapos hindi ka umaabsent at nagpapalate sa klase," sambit niya sa akin. "Aaahh.. Edi sisipagan ko pa para makakuha ako ng scholarship para hindi na kailangan nila Inay at Itay magpadala ng pera dito sa akin." Itinuon ko muli ang sarili ko sa pagbabasa ng libro hanggang sa dumating na kami sa school. Bumaba na kami sa jeep na sinasakyan namin at naglakad na kami papunta sa loob. Habang naglalakad kami ni Dimple papasok sa school ay may nakita kaming nag uumpukan na madaming babae sa labas ng school at nag titilian pa yung mga ibang babae. "May artista ba?" tanong sa akin ni Dimple. "Hindi ko alam. Wala naman akong kilalang artista dito," sambit ko sa kanya. Hinila ako ni Dimple sa umpukan ng mga babae at nakita ko ang magarang kotse sa tabi nila. Nakaupo sa labas ang isang lalaki. Naka formal ito ng suot at naka shades. May hawak itong malaking teddy bear at malaking bulaklak. Papalapit na kami sa kanya ng bigla ko siyang nakilala. "s**t!" sambit ko sabay tago kay Dimple. "Ooh? Bakit ka nagtatago sa likod ko?" nagtatakang sambit niya sa akin. "Si Aeron yan! Ex ko! Dali alis na tayo baka makita pa ako," sambit ko kay Dimple habang hila-hila siya papalayo sa umpukan. "Hindi mo naman sinabi na mayaman pala Ex mo! Bakit tinataguan mo?" tanong niya sa akin. "Halika na! Baka makita pa ako," Biglang dumating yung kaklase namin at bigla kaming sinigawan dalawa ni Dimple. "Gianna! Dimple!" sigaw ni Jacob habang nakangiting kumakaway sa amin. "Bakla! Bakit sumisigaw ka?" mahinang sambit ko sa kanya. "Bakit sino ba tinataguan niyo?" tanong niya sa amin. "Yung...," putol kong sambit. "Gia!" sambit sa akin ni Aeron habang papalapit. Tumakbo ito papalapit sa akin at nang nakalapit siya sa akin ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit sobrang higpit ng kayap niya sa akin. Naglakihan ang mga mata ng mga taong nakakita sa aming dalawa at naglabas pa ng mga cellphone nila para litratuhan kami ni Aeron habang nakayakap siya sa akin. Nakahawak ako sa kamay ni Dimple ng mga oras na ito at mas lalo kong hinigpitan ang kapit ko sa kanya. "Sobrang na miss na kita Gia!" masayang sambit ni Aeron sa akin. "Bakit nandito ka? Paano mo nalaman yung iskwelahan ko?" tanong ko sa kanya. "Pinilit ko ang Inay at Itay mo para malaman ko kung saan ka nag aaral at heto ako ngayon Gia!" sambit niya sa akin sabay yakap muli. "Aeron, ok lang ba na umalis kana? kasi baka ma-late pa kami sa klase namin," sambit ko sa kanya. "Maaga pa masyado Gianna meron pa tayong trenta minuto," sambit ni Jacob Tumingin ako kay Jacob ng masama at biglang binitawan ni Dimple ang kamay ko. "Pati ba naman ikaw Dimple?" malungkot sambit sa kanya. "Settle mo muna yan tapos pasok kana sa room huh!" nakangising sambit niya sa akin sabay alis kasama si Jacob. "Hala! Ang sasama niyo! Pahamak kang bakla ka! Yare ka sakin mamaya!" inis kong sambit. Lumingon na ako kay Aeron at masama ang titig ko sa kanya. "Bakit kasi nandito ka? Busy akong nagbabasa ng libro para makakuha ako ng scholarship dito," inis kong sambit sa kanya. "Na miss lang naman kita! Bakit galit ka na naman sa akin," malungkot niyang sambit sa akin. "Ano na naman kasing pumasok sa kokote mo," sambit ko sa kanya. "Gusto kong makipagbalikan sayo. Balikan mo na ako," pang mamakaawa niya sa akin. "Diba pinag usapan na natin to bago ako umalis? Hindi na mag babago ang isip ko. Madaming babae diyan na sasakto sa estado ng buhay mo Aeron. Bakit ako?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko alam! Basta lahat ng sinabi ko sayo na masasama pinagsisihan kong lahat! Ikaw lang ang mahal ko Gianna! Ikaw lang ang gusto kong makasama sa buhay!" "Mahal kita Aeron! Mahal na mahal kita! pero sana hayaan mo muna akong hanapin ang sarili ko kung ano ba talaga ang gusto ko, Ito na ang huli nating pagkikita Aeron wag mo na akong gambalain pang muli," malungkot kong sambit sa kanya. Tumalikod na ako kay Aeron at nakahanda na akong humakbang papalayo sa kanya ng bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Kunin mo na itong pasalubong ko sayo. Yung teddy bear na to bahala ka na kung itatapon mo o itatago mo. Kunin mo itong lahat at pagkatapos ay aalis na ako." Kinuha ko ang pagkalaki-laking teddy bear na dala ni Aeron at yung mga pagkain na dala niya. "Paalam na Gianna! Aantayin kitang makagraduate ng college at pagkatapos ay babalikan kita!" nakangiting sambit ni Aeron sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya habang papalayo siya sa akin. Tumingin sa muli sa akin at patakbong lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa aking labi. Isang napaka diing halik ang naramdaman ko mula sa kanya isang halik na inaasam-asam ko, ang isang halik na nagpabaliw sa akin ng ilang taon. Hinayaan ko lang na angkinin niya ang labi ko sa mga oras na ito at hindi ko alam na madami pa ding mga mata ang nakatingin sa aming dalawa. Itinigil na ni Aeron ang paghalik sa akin at nakangiti itong umalis sa harap ko. Sumakay na siya sa sasakyan niya at naiwan na akong nasa labas ng iskwelahan. "Papasok ka ba o makikipag landian lang sa nobyo mo?" galit na tanong ni Manong Guard sa akin. "Papasok na po ako." tugon ko sa kanya. Mabigat ang dala-dala ko ng mga oras na ito at pang 7th floor pa ang palapag ng klase namin. Sumakay ako sa elevator ng school namin na madaming dala. "Tulungan na kita," sambit ng kaklase kong lalaki. "Ui! Akala ko hindi ka papasok!" nakangiti kong sambit sa kanya. "Kung pwede lang hindi pumasok, Ginawa ko na," seryosong sambit niya sa akin. "Ano bang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. "Gabriel. pero Gab nalang," "Ooh? Gab? Pangalan ko Gianna pero pwede mo akong tawaging Gia," nakangiti kong sambit sa kanya. "Oo kilala kita," mataray na sambit niya sa akin. "Ayyy ganun ba?" Hindi na siya sumagot sa sinabi ko at lumabas na kami sa elevator na dalawa. Pagkapasok namin sa room ay nag tinginan ang mga kaklase ko sa akin. Lahat sila nakangiti at nanunukso sa akin. Inilapag ni Gab yung malaking teddy bear sa upuan ko tsaka umupo siya sa pwesto niya. "Dimple!" sigaw ko sa kanya. "Ooh? masarap ba?" pang aasar niya sa akin. Bigla akong nag blush sa sinabi niya sa akin. Mahal ko pa rin talaga si Aeron pero... "Anong masarap ba?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Girl! Sikat kana! Nasa bulletin ka ngayon. Mga chismosa talaga ang mga tao dito sa school kumalat agad yung picture niyo ng jowa mo tapos meron pa kayong kissing scene. Wooh! Kinikilig ako bakla ka!" nakangising sambit ni Dimple sa akin. "Hala? Totoo ba? Patingin nga ng picture na yun?" Agad na pinakita ni Dimple yung picture namin ni Aeron at nakita ko na nakapikit pa ako sa halik nito sa akin at mukang nasisiyahan sa ginawa ni Aeron. "Hala! Paano na ako ngayon?" tanong ko kay Dimple. "Ano ka ba? Easy ka lang normal lang naman yan sa magkasintahan. Sikat na ang probinsyana friend ko!" sigaw niya sa klase. "Gagi. Break na kami!" natatawa kong sambit sa kanya. "Huh? Bakit?" malungkot na sambit ni Dimple sa akin. "Sabi ko sa kanya gusto ko munang hanapin ang sarili ko at gusto kong mag focus sa pag aaral ng makapasa ako sa scholarship program nila," nakangiti kong sambit sa kanya. "Aaah.. sayang naman si Pogi! Akin na lang siya kung ayaw mo!" sambit niya sa akin. "Sayo na!" sambit ko habang tumatawa. "Di biro lang! pero sayang talaga!" "Hayaan mo na." Habang nasa kalagitnaan kami ng pag uusap namin ni Dimple ay pumasok na sa loob si Ma'am Veronica ang Biology Teacher namin. Isa sa terror teacher na kilala sa campus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD