"Did I really lost my virginity last night?" tanong ko sa sarili ko habang nasa biyahe kami ni Dimple.
Malalim ang iniisip ko habang pinipilit kong inaalala ang mga nangyari sa amin kagabi.
"Dim, Anong gagawin ko?" natatakot kong sambit kay Dimple.
"Sure ka ba na nag s*x kayo? Baka naman nababaliw ka na naman aah?" natatawang tanong sa akin ni Dimple.
"Hindi ko sure! Basta kanina pag gising ko naka bra at panty naman ako pero siya hubod-hubad!" napalakas kong sambit sa kanya.
Habang nag kukwentuhan kami ni Dimple ay napatingin sa amin ang mga pasahero ng jeep.
"Maya na tayo mag kwentuhan," mahinang sambit ko sa kanya.
"Sige." sambit niya habang nakangiti.
Itinuon ko nalang sa pag cecellphone yung atensyon ko habang nasa biyahe kami ni Dimple. Mabilis ang biyahe ngayon sapagkat maaga pa ng nakauwi kami.
Pagkababa na pagkababa namin ni Dimple sa jeep ay agad kaming sumakay ng tricycle.
"Dim!" sigaw ko kay Dimple.
"Ano!" pagsusungit niya sa akin.
"Kasi naman! Natatakot ako baka balikan ako nung lalaki," sambit ko sa kanya.
"Bahala ka diyan! yare ka! Pakarat ka aah! Sa susunod wag ka ng iinom ng alak dahil isa kang mahinang nilalang. Nako! dahil sa alak nakagawa ka ng bagay na ikasasama mo," natatawang sambit niya.
"Bakit ka tumatawa? Nang aasar ka na naman eeh," sambit ko sa kanya.
"Sinong hindi matatawa diyan? Para kang natitimang ngayon. Yare ka pag nabuntis ka nun tapos hindi ka pinagutan,. Tsk-tsk-tsk," natatawang sambit sa akin.
Bigla ko siyang nahampas ng kamay ko.
Nanlaki bigla ang mata ni Dimple sa akin kaya nagulat ako sa kanya.
"Huy! Bakit?" kinakabahang tanong ko sa kanya.
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko sabay turo ng singsing sa palasing-singan ko.
"s**t! Diamond ba to?" mahinang sambit niya sa akin.
"Hindi ko alam! Dim! Ano to?" natatakot na tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam pero ano to? may isa pang singsing ooh!"
Tinanggal ko agad yung singsing sa kamay ko at agad na itinago ito.
"Dim, hindi kaya nagnakaw ako kagabi? Paano kung yung guest ko ninakawan ko? Paano na to Dim?" tanong ko sa kanya.
"Ssshhh.. Hindi ka mag nanakaw alam ko yan pero teka? lasing ka na naman kagabi?" tanong ko sa kanya.
"Piling ko nalasing ako kagabi kasi dalawa lang kaming uminom,"
"Hala! patingin ng singsing dalian mo! May naisip ako at sana hindi ito yun,"
"Ano?" habang abot-abot yung singsing sa kanya.
"Oh My Goshhh!" sigaw ni Dimple.
"Ano yun!" kinakabahang sambit ko sa kanya.
"Wait baba lang muna tayo. Ito po bayad Ma," sabay abot ng bayad ni Dimple sa driver.
Pagkababa namin sa tricycle ay nakita namin ang magandang sasakyan na nakapara sa harap ng bahay namin ni Dimple.
"Ang ganda naman ng sasakyan na to? Kanino kaya to?" natatakang tanong ko kay Dimple.
"Hala ka! Baka yan na yung nakasama mo kagabi," biro niya sa akin.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at patakbo akong pumasok sa loob ng bahay namin.
"Huy! Wait lang!" sambit ni Dimple habang patakbong lumapit sa akin.
Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay agad akong nag lock ng pinto namin. Kinakabahan ako na baka yung nakasama ko kagabi ay yung may ari ng kotse na nakapara sa labas ng bahay namin.
"Dim! Paano kung siya nga yung nasa labas ng bahay? tapos bigla siyang pumasok dito sa atin tapos kidnappin ako bigla?" natatarantang sambit ko kay Dimple.
"OA mo girl! Kidnap? Ok ka lang?" natatawang sambit niya sa akin.
"O baka rapin tayong dalawa!" nanginginig kong sambit sa kanya.
"Rape? eeh nag one night stand nga kayo tapos rape pa gusto mo?"
"O baka patayin tayo? Jusko Lord gusto ko pang mag asawa at magkapamilya!" sambit ko habang nanginginig.
"Tumigil ka nga sa mga pinagsasabi mo. Ako na mag paparape sa kanya gwapo ba? Kung gwapo at mayaman ako na din ang mangrarape sa kanya kahit mabuntis pa ako sa kanya!" natatawang sambit nito sa akin.
"Hindi magandang biro yang sinasabi mo Dim aah! Baka nakakalimot ka na biktima tayo ng kahalayan!" inis na sambit ko sa kanya.
"Ooh maiba nga tayo akin na yung mga singsing!"
Kinuha ko yung singsing sa bag ko at agad kong iniabot kay Dimple. Pagkabigay ko ng singsing sa kanya ay agad niya itong sinuri.
"Hindi ako nag kakamali Gianna! Wedding ring ito!" seryosong sambit niya sa akin.
Tumabi agad ako sa kanya ng sobrang dikit sabay tingin sa mga mata nito. Hindi siya mukhang nagbibiro sa akin.
"So? Engagement ring itong diamong ring na ito? tapos yung isa wedding ring? Wait check ko kung may naka engrave sa ring. Hmmmm wala naman? Pero wedding ring ito eeh, Ano bang ginawa mo kagabi Gianna? Alalahanin mo! Nakataya ang buhay mo dito sa mga singsing na ito," sambit niya sa akin.
"Hindi ko maalala kung anong nangyari Dim! Promise! Wala talaga akong maalala bukod sa... s**t! Dim! Naalala ko na yung diamond ring!" maluha-luha kong sambit sa kanya habang nanginginig sa takot.
"Ano! Sabihin mo!" galit na sambit niya sa akin.
"Nag propose siya sa akin!" sambit ko habang tumutulo ang luha sa mga mata ko.
"Patay! Anong pangalan nung lalaki? Anong name!" sigaw niya sa akin.
"Lu-Lu? Lucio? Wait! hindi ko maalala!" sambit ko sa kanya.
"Lucio? Tang ina wag mong sabihin na?" gulat na sambit niya sa akin.
"Ano? s**t! Ano nga Dim! Kinakabahan na ako dito!" sambit ko sa kanya.
"Baka hindi yun! Anong Lucio nga! Madaming Lucio sa pilinas pero isa doon kupal!" galit na sambit niya.
"Hayaan mo na nga! Basta hindi ko na muna iintindihin yang singsing na yan o kung ano yan. Magluluto na ako ng hapunan at mag aral kana para sa exam natin.
Pumunta na ako sa kusina para mag handa ng lulutuin kong hapunan namin ni Dimple. Isinantabi ko na muna yung alalahanin ko at nag focus ako sa ginagawa ko.
"Dim! Mag aral ka na muna diyan at ako na ang bahala dito aah Dim!"
"Maya na ako mag aral kakauwi pa lang natin sa school eeh,"
"Sige na mag pahinga kana lang muna," sambit ko sa kanya. , "Dim! paano kung balikan niya ako sa trabaho?" tanong ko bigla sa kanya.
"Edi kausapin mo tapos balik mo yung singsing na yan mamaya sa kanya yan eeh tapos malas mo hinahanap niya din yan at baka masabihan ka pang mag nanakaw. Alalahanin mo yung buong pangalan niyan o Wait! Tanungin kaya natin sa work kung sino yung guest mo kagabi para malaman natin?" tanong niya sa akin.
"Tama! Itanong mo nga kay manager kit para alam ko kasi mamamatay na ako dito kakaisip eeh!" sambit ko sa kanya.
"Sige wait tawagan ko lang si Ms. kit."
Itinuon ko na muli sa pagluluto ang atensyo ko habang hinihintay si Dimple na makausap si Ms. Kit.
Sumagot na si Ms. Kit at lumapit sa akin si Dimple habang nila-loud speaker ang cellphone niya.
"Hello? Yes Dimple?" tanong sa kanya ni Ms. Kit.
"Ms. Kit! May problema kami ni Gianna!" sambit nito.
"Ano yun?" nag aalalang sambit ni Dimple.
"Si Gianna kasi Ms. kit, Nalasing daw siya kagabi tapos ngayon meron siyang dalawang singsing dito. Isang diamond ring at wedding ring ata to. Gusto sana namin malaman kung sino ang guest niya kagabi?"
"Si sungit!" sambit nito.
Biglang nanlaki ang mata ni Dimple sa narinig niya.
"Si sungit? Totoo ba to Ms. Kit?" tanong niya.
"Yes! Tinake-out niya si Gianna kagabi! Hindi ko kasi sure kung lasing siya kasi naka ngiti naman siya nung umalis at nakapagsabi pa nga sa akin. So ako naman wala akong magawa kasi VIP guest to at ginusto naman ni Gianna sumama sa kanya, He even pay doubled price for Gianna," sambit nito kay Dimple.
"Salamat Ms. Kit!"
Papatayin na sana ni Dimple yung tawag niya ngunit biglang humabol si Ms. Kit.
"Wait! Pumunta pala siya dito kanina Dimple. Hinahanap si Gianna and sorry nasabi ko ang address nyo diyan. Baka mamaya nandyan na yan," sambit nito.
"Thank you Ms. Kit!" sambit muli ni Dimple sa kanya.
Pinatay na ni Dimple ang tawag at tumingin sa akin ng matalim.
"Yare ka Gia! Baka siya na yung nasa labas ngayon!" pang aasar niya sa akin.
Habang inaasar ako ni Dimple ay biglang may kumatok sa pintuan namin. Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng narinig ko ang pagkalakas-lakas na katok na ito.
Binuksan ni Dimple ang pinto at nakita niya ang isang lalaki.
"Hello Ma'am? Sa shoppee po ito! Kayo po ba si Ms. Dimple Santos?" tanong nito.
"Ayy kuya! Shoppee lang pala akala ko kung ano na. Wait kuya kunin ko lang ang pambayad ko." sambit ni Dimple sa delivery boy.
Tumingin sa akin papasok si Dimple at biglang tumawa ng malakas.
"Shoppee girl!" natatawang sambit niya sa akin.
"Hayyy! Akala ko kung ano na?" sambit ko sa kanya habang kinakabahan.
Pumasok na muli sa loob si Dimple dala-dala ang inorder niyang parcel at tsaka nag lock muli ng pinto.
"Yung lalaki na sinasabi ko sayo at sinasabi ni Ms. Kit ay iisa. Siya si Lucio Javier Iglesias hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa pero naalala ko kaninang umaga yung sinabi mo. So malaki pala yung alaga niya?" natatawang sambit ni Dimple sa akin.
"Ssshhh... Nakakahiya to!" inis kong sambit sa kanya.
Habang nag uusap kami ni Dimple ay biglang pumasok sa utak ko ang cellphone ko kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at chineck ito. Chineck ko lahat ng nasa phonebook ko kung may nag bago ngunit wala naman hanggang chineck ko ang album ng cellphone ko at doon ko nakita ang isang litrato na magpapalumo sa akin.
"Dimple!" sigaw ko sa kanya habang naluluha.
Agad na lumapit sa akin si Dimple at kinuha ang cellphone ko. May litrato kami doon na mag kasama kagabi at yung litrato na yun ay ang sinagot sa lahat ng katanungan namin.
"My Gad Gianna! Kasal kana!" natatawang sambit nito sa akin.
"Paano nangyari yun Dim?" tanong ko sa kanya.
"Aba malay ko? Ikaw lang ang makakaalam niyan at ito pa Gia! Sobrang swerte mo girl instant milyonarya kana! hindi bilyonarya!" natatawang sambit nito sa akin.
"Anong swerte dun?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Kasi yang kupal na yan ay ang nag mamay-ari lang naman ng isang malaking magazine company sa pilipinas!" nakangiting sambit nito
"Hala anong gagawin ko? Ibabalik ko yung singsing na to tapos ok na kami! Hindi totoo yan kasal na yan sigurado ako dahil lasing kami ng mga oras na yan," sambit ko sa kanya.
Kumalabog na naman ang pintuan namin at isang malakas na pagkatok na naman ang narinig namin ni Dimple. Binuksan niya ito agad at nakita ko ang isang napaka tangkad na lalaki, sobrang kinis at sobrang bango na nakatayo sa labas ng pinto namin.