Matapos kumain ay bumalik na rin sila sa kani-kanilang mga kwarto. Bago makapasok ay mayroong pasimpleng inabot si Lalaine kay Vincent. "Ihalo mo sa inumin ng gurang mong asawa para mabilis siyang makatulog," bulong nito, palinga-linga sa paligid. "Safe ba 'to? Baka mapahamak siya." Nag-aalangan na baka ipahamak ng gamot na iyon ang kaniyang kabiyak. Hindi naging masama sa kaniya si Romana kaya naman mahalaga pa rin ang kaligtasan nito. Inalagaan siya nito at minahal nang lubos kaya hindi niya maatim na ipahamak ito. "Don't worry, walang side effects 'yan. Sleeping pill lang 'yan," paniniguro naman ni Lalaine sa kaniya. Tinanggap niya iyon at mabilis na itinago sa kaniyang bulsa. "Vincent? Hindi ka pa ba papasok?" tawag ni Romana mula sa loob ng kanilang pansamantalang silid. "Mama

