"H-Ha? A-Ah, diyan lang," malikot ang mga mata na tugon niya kay Laila. "May itinatago ka sa akin! Kabisado ko ang mga kilos mo, Vincent! Magtapat ka na!" mataas ang boses na tanong ni Laila bago tuluyan na humagulhol. Sa labis na pag-aalala sa asawa ay kaagad niyang inilapag ang mga bitbit at saka lumapit dito. Umupo siya sa tabi nito at saka marahan na hinaplos ang likod. "Tahan na, Asawa. Naghanap lang ako ng perang pandagdag para sa operasyon mo. Sabi kasi ng doktor ay delikado kung hindi ka maooperahan kaagad." Tumahan naman si Laila. Kaagad na pinunasan niya ang luhaan na mga mata nito gamit ang kaniyang mga daliri. "S-Sorry, Asawa. A-Akala ko kasi ay iniwan mo na ako. A-Akala ko ay itinakwil mo na rin ako katulad nang ginawa sa akin ng pamilya ko." Sa kaniyang kaalaman ay maya

