"Nais ni Mr. Suarez na i-urong mo ang kaso," pambungad na balita kay Romana ng kaniyang personal lawyer. Naglabas ito ng mga papel at inilatag ang mga iyon sa kaniyang harapan. Kasalukuyang nakaupo sila sa bakanteng upuan malapit sa buffet area ng resort. Pinasadahan niya iyon ng tingin ngunit hindi nag-abala na basahin maski ang unang talata na nakasulat doon. "Talagang sira na ang ulo ng lalaking 'yon. Ang akala niya siguro ay biro lamang ang mga perwisyo niyang idinulot sa buhay ko. Muntik nang mawala sa akin ang anak ko nang dahil sa kaniya," kaswal niyang sabi. Nilakumos niya ang mga papel na ibinigay ng attorney. Hindi siya makapapayag na hindi ito makulong. Hanggang malaya ang kaniyang asawa ay naroon ang pangamba sa kaniyang puso na muli siyang balikan nito at gawan nang masa

