Pagkauwi ni Marcus ay walang nakakaalam kung ano ang laman ng kanyang dala-dalang nasa loob ng black plastic. Dumeretso na siya sa kanyang kuwarto at doon muling nilabas ang painting. Tinitigan niyang muli ang painting ni Lailyn. Talagang malaking katanungan ngayon tungkol sa painting na ito. Bigla nalang may tumawag kay Marcus na di niya kilala at sinagot niya agad iyon. " Hello, good afternoon." Bati niya sa tumawag. " Good afternoon po, Sir. Ako nga pala ang may ari ng painting na nasa sa'yo ngayon." pakilala agad ng boses lalaki sa kabilang linya. " Ahh, okay! ikaw pala. Nandito sa akin ngayon ang painting. Tinawagan at pinaalam ka na pala ng amo mo. Puntahan mo ako sa office ko sa monday para makapag-usap tayo. H'wag kang mag-alala babayaran kita sa painting na ito dahil desidi

