Hindi talaga pinagbigyan ni Lailyn si Marcus na pupuntahan niya ito sa office nito. Subalit umalis naman siya ng umagang iyon para dadalaw na naman sa kanyang mga magulang dahil namimiss na niya ang mga ito. Minsan magtataka nalang ang mga ito nang minsang dinalhan pa niya ng pasalubong ang mga ito. At pagkatapos niyang dumalaw sa mga ito ay makipag meet na siya ngayon sa ama ni Marcus. Tamang pakikipagrelasyon lang ang ibibigay niya rito para lang galitin at saktan si Marcus. Para ituturing nitong karibal ang daddy nito. At hindi lang ito ang magagalit pati na si Mrs. Florenda Monteverde. Kahit nakakapangilabot ang pakikipagrelasyon sa ama ni Marcus ay pipilitin niya iyon upang sirain ang pamilya Monteverde! Si Marcus naman ay naghihintay siya kay Emerald subalit lumipas nalang ang tat

