Hindi niya naikilos ang kanyang mga paa para lalayo na roon upang di na niya makita ang maganang halikan ng kanyang asawa at ng babae nito. Para s'yang namagneto sa kanyang kinatatayuan habang pinanood ang mga ito sa ginagawa. Tila pinagsasaksak ng ilang beses ang kanyang puso dahil sa pagpapasakit ng mga ito sa kanya. Nakita niya kung gaano kapusok na hinalikan ni Marcus si Haneline habang mapusok ding tinugon iyon ng babae nito. At nang maramdaman niyang sikip na sikip na ang kanyang dibdib ay gusto niyang umiyak ng malakas kaya nagmamadali s'yang umalis roon. At doon sa kanyang bagong kuwarto sa guestroom ay pinalabas na naman niya ang kanyang sakit na naramdaman. Hindi na siya lumabas ng kuwarto at nakatulala nalang s'ya sa loob habang nakaupo sa kama roon. Hindi s'ya lumabas upan

