Kinutuban si Marcus kung sino ba talaga ang nasa likod ng dummy account. At kung bakit ang bilis nitong maka post kapag may mga malalaking issue tulad nito ngayon. Dahil sa nangyari ay kinausap ni Marcus si Haneline. "Mag-usap tayo, Haneline. Bakit ka sumugod kay Emerald? hindi mo ba alam na dahil sa away niyo ay nadawit na naman ang pangalan ko? ikaw ang nagsimula ng gulo. Nakita mo lang naman kaming magkasama na kumain at masamà agad ang iniisip mo!" Ang sabi ni Marcus rito. Sa isip niya ay di pa niya dapat sabihin rito na sila na ni Emerald. Ayaw niya muna ng gulo lalo na't di pa niya alam kung anong maging reaksyon ni Mr. Felizardo Del Fuego kung malaman nito ang relasyon nila ni Emerald. "Nakita mo pala ang nakapost na video? ngayon, masaya ka na ba na ningudngod ako ni Emera

