Nasa tabing-dagat si Yvonne. Nakaupo siya sa white sand habang yakap-yakap niya ang kanyang tuhod at nakatingin sa malawak na karagatan. Nakakabingi ang sobrang katahimikan na gustong-gusto naman niya. Tipid na napangiti si Yvonne. Ramdam niya ang malamig na ihip ng maalat-alat na hangin. Ang araw ay unti-unti nang lumilitaw mula sa kalangitan at ang sinag nito ay nagre-reflect sa kalmadong alon ng tubig sa dagat. Maagang nagising si Yvonne kaya naman pagkatapos niyang uminom ng kape ay naisipan niyang pumunta rito. Hindi naman ito malayo kaya madali niyang napuntahan. Sumagi muli sa isipan ni Yvonne ang mga sinabi sa kanya ni Eiann. Mabilis siyang napailing-iling. “Hindi mo na dapat iniisip pa ‘yung sinasabi niya,” mahinang usal ni Yvonne. Nakakaramdam nang pagkainis si Yvonne kay Ei

