Nasa harapan ng kanyang laptop si Yvonne at abala sa ginagawa niyang trabaho. Umayos pa siya sa pagkakaupo saka ipinagpatuloy ang pagta-type sa keyboard ng kanyang laptop habang nakatitig sa screen. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kwarto kung nasaan siya. Wala si Kelvin dahil nasa kusina ito. Ilang sandali pa ay tumigil muna si Yvonne sa ginagawa niya at kinuha ang kanyang phone na nasa tabi ng kanyang laptop at nakapatong sa mesa. May tiningnan at binasa siyang document doon. Maya-maya ay bahagyang pinindot ni Yvonne ang power button ng matapos na siyang basahin iyon at binitawan niya ang kanyang phone at ipinatong muli sa mesa. Nagpatuloy si Yvonne sa ginagawa niyang trabaho. Hindi niya ito natapos sa opisina kaya ipinagpatuloy niya sa bahay. Nitong mga nakaraang araw ay naging

