Flinn's POV San Sebastian Race Track. Dalidali akong napatakbo sa gawi ni Ax, nakataob ang kotse nito habang natatabunan ng maraming gulong. At isang udyokan na lang at mahuhulog na ito sa pampang na nasa gilid, kaya naman, madali kaming lahat na nagtulong tulong na kunin sa loob si Ax. Nahila namin siya sa palabas bago pa tuluyang mahulog ang BMW nito. Hindi naman masyadong wasak ang kotse pero nataranta ako dahil alam kong malakas ang impact nito lalo pa't wala kaming suot na head gear. Mayamaya pa'y nahulog na ang sasakyan nito kasunod ng mga iilang gulong na nasa gilid. Jezz, Tanaw ko pa sa bagay na iyon, at tumalima sa walang malay na kaibigan. I hope he's fine, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sa kaniya, lalo pa ngayon na alam kong siya ang ama

