Glorydale's POV Bogota Seaport "Why you're here?" bulalas ko nang makita si Ax na karga karga si Devign, nasa seaport kami ngayon ng Bogota at heto't tinitingnan ang barkong kinakargahan ng aking mga tauhan sa aming mga kagamitan. "Mami-!" Tawag pa ni Devign sa akin. Dahan-dahang ibinaba ni Ax ang aming anak at noo'y tumakbo sa aking gawi. Nakita ko pa ang paghakbang ni Ax papalapit sa akin at walang anuano'y siniil ako ng kanyang uhaw na uhaw na labi. Nagulat ako sa ginawa niya at nabato sa kinatatayuan. Ikinulong niya ang mukha ko sa kaniyang magkabilang palad. Tila nag sslow-motion ang lahat at ang tanging nararamdaman ko lang ay ang kaniyang halik. Hindi namin alintana ang mga matang nakatingin sa amin na nakapalibot sa open area ng seaport. "Papi, mami.." Natigil si Ax

