Glorydale's POV Axell's House Napatigil si Ax sa paghithit dahil sa aking pagtitig. "What?" sambit pa nito sa akin. Pero hindi ko alam kung bakit iyon ang aking nasambit sa mga oras na iyon. "You're my Hermoso.. " sabi ko pa na noo'y hibang na nakatitig sa mga mata ni Ax. Hindi ko maintindihan ang sarili sa pagkakasabi ko sa salitang iyon dahil ako na mismo ang naglapat sa aming mga labi na siyang ikinabigla pa ni Ax. He was just standing infront of me while holding his cigarette. Ubod lakas ko itong itinulak papasok sa kanyang silid mula sa kinatatayuan namin sa veranda. Kapwa kami nakaupo sa kama sa mga oras na iyon, pero may kung anong tumunog sa kanyang bulsa na siyang ikinatigil ko sa ginagawang kapusukan. "Just a sec, baby. " sabi pa nito sa akin na ikinaupo ko sa

