SPECIAL CHAPTER (The explanation of Royal Monarchy of Rampage Series by QueenRegina 1994 stories.) ✨Series 1 BREATHTAKING SUMMER✨ Santi's POV (Summer's father) way back to their old times while escaping from Madrid to Philippines. Nakatayo ako sa gilid ng railings ng barkong sinasakyan, habang tahimik na tinitingnan ang kulay abong kalangitan. Nagbabadya ang ulan at dama ko ang malamig na hampas ng hangin. Magtatatlong araw na kaming naglalayag nina Glavio at Elizabeth.(Storm's parents) Papunta kaming tatlo sa Pilipinas para magtago at makalayo sa Espanya. Tumakas ang magkasintahang sina Glavio na aking katropa at ang kaniyang nobya na si Elizabeth na kaibigan ko rin. Hindi kasi matanggap ng mga aristokratang mga magulang ni Elizabeth na kay Glavio magpapakasal ang kanilang anak.

