magka hawak kamay kaming pumasok ng kompanya at napayuko na lang ng makita ko na nanlalaki nanaman ang mga mata ng mga employee ni xyro. paniguradong nagtataka na silang lahat, paano ba naman kasi simula nung umamin kami sa isa't isa hindi na nahiwalay saakin si xyro pati pagkain namin sabay kami minsan may nakahuli pa saamin na sobrang lapit saakin ni xyro at akmang hahalikan. kay mariz at jane ko lang na ikwento ang lahat pero pili lang ang kinwento ko.. si brian naman umiiwas saakin, hindi ko alam kung bakit. basta bigla nalang siyang naging mailap saakin na parang may ginawa akong masama. "xyro... bitawan mo na ang kamay ko nahihiya naako" bulong ko dito, hindi nya naman ako pinansin sumakay kami ng elevator ng kami lang dahil ramdam ko nahihiya sila sumabay at natatakot kay xyro.

