Zhander* Kinontak ko lahat yung pwedeng makatulong sa'kin kung paano mahahanap si Czar. Kung saan niya pwedeng dalhin ang anak kong si Tyler. Bakit ba sumama si Tyler sa walang hiyang iyon?! "Right, Ziggy! Salamat." Kausap ko sa cellphone si Ziggy dahil alam kong marami siyang connection sa mga private organisasyon. Baka sakaling matulungan niya akong mahanap si Czar. Hindi ko naabutan yung kotse ni Czar sa daan kaya naisipan kong bumalik sa bahay ni Minzy para saluhan siya dahil alam kong umiiyak siya dahil sa nangyari. Mapapatay ko talaga si Czar kapag nakita ko siya! Habang nagmamaneho ako ay biglang nag ring yung cellphone ko. Agad ko itong sinagot at baka may balita na si Ziggy. "Hello, Ziggy!" Bungad ko. "Ziggy? Sino naman yun, Hon?" Nagulat ako sa nagsalita sa kabilang linya.

