Minzy's POV Kahapon lang magkasama kami ng kumag na ito. Ngayon magkasama na naman kami. Tss. Gaaaaaad! Bakit kasi ang gwapo gwapo niya sa polo shirt niya ngayon?! Ay! Gago! Wala. Joke lang. "Gusto mo bang maghubad na lang ako?" Sabi niya ng seryoso pero halatang biro niya lang. "Huh? Pinagsasabi mo?" Sabi ko at tumingin sa iba. Nahalata niya yatang tinititigan ko siya. "Ba't ayaw mong sa office mo tayo mag usap? Hindi naman kita haharasin." Sabi niya. Nasa bakanteng mesa kasi kami ng shop ko. At shemay lang dahil 5:00am pa lang. Alam na alam niyang pupunta ako dito ng ganito kaaga. Isang server at janitor pa lang ang nandito. Kasama kami. Closed pa nga ang shop. Gago talaga 'to! "Letse! Diba sinabi ko na sa'yo na hindi na tayo pwede?! Nakay Czar na ako. Five years na, Zhander! Lima

