Zhander's POV Agad tumulo ang luha ko nang nakapasok na ako office ko. Si Minzy, Tinalikuran ko siya sa kabila ng pagkasabik niya sa'kin. Gusto ko ko siyang yakapin ng mahigpit. Gusto ko siyang halikan. Gusto kong kunin yung oras na 'yon para samin lang dalawa. Sobra ko siyang na-miss. Sobra ko siyang mahal. Hindi ko na alam ang susunod na mangyayari. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya masasaktan ng ganito. Napaupo ako at napasandal sa pintuan ng office. Pinipigilan ko ang pagluha ng may tunog. Gusto kong mag-wala sa mga nangyayari. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit na nararamdman. Ganito rin siguro ang kay Minzy. Siguro labis din siyang nasasaktan gaya ko. Pero wala akong magawa. Nasa paligid lang ang maaarin makapanakit sakanya. Mas uunahin ko ang kaligtasan ng mah

