Minzy's POV Hilahila ko lang si Zhander. Parang batang nagpapatianod sa paghila. Nakikita kong tinitignan pa siya ng mga kababaihan. Wala siyang paki doon. Pero ako meron. Paano kung may maka agaw ng atensyon sakin si Zhander? Ipagpapalit niya ba ako doon? Ininiisip ko palang ay parang sakit sakit na. Hindi ako makakapayag na mawala na siya sakin. Sobrang mahal ko na ang taong 'to kaya akin lang siya. "San ba tayo pupunta? Pwede bang sa bahay nalang?" Tanong nya. Huminto ako sa paglalakad sa tapat ng sinehan. "Bakit sa bahay?" Naguguluhan kong tanong. Lumapit siya sakin at may binulong. Agad akong namula sa sinabi niya. Tumatawa siya habang hinahampas ko ng mahina sa braso at umiilag siya. "Why? Ayaw mo ba?" Sabi niya at parang sa tono ng pagtatampo. "Shut up, Hoy! Date nga tayong

