Minzy's POV Ang haba ng nguso kong iniwan ang building na pinagtatrabahohan ko. Paano ba naman. Iniwan nalang ako bigla ni Zhander. Hindi naman talaga iniwan. Ayun, Umuwi nanaman daw ng maaga. Sabi ko pa naman na i-date ako para sa kabayaran ng ginawa niyang pagpapaiyak sakin na kinahantong sa super kilig ng sistema ko.Nag-text naman siya sa'kin na dadaan daw siya sa bahay mamaya. Bigla nanaman kinalabit ang pituitary gland ko para utusan ang buong sistema kong kiligin. Yung feeling mo na wala ng bukas para kiligin? Para akong teenager sa mga iniisip ko ngayon. Nasa bungad na ako ng bahay namin ng may naaninag akong isang babaeng pabalik balik ang lakad sa gilid ng kotse. Napa-stop ito nang nakita ako. Tumalikod siya na para bang kinakausap ang sarili. Nilapitan ko siya at tinanong. "M

