Chapter 20

1348 Words

Sa lumipas ng halos tatlong taon ng pagiging single mother ni Rita, ay nakita n'ya na hindi pala biro ang pagpapalaki ng bata. Nung una ay nahirapan s'ya sa mga gastusin kaya nagdalawang trabaho na s'ya. Naipasok s'ya ng trabaho ni Lara sa kaibigan nito bilang assistant tutor, kapag may oras pa s'ya ay nagtitinda siya ng mga kakanin katulad ng ginagawa n'ya dati. Nung araw na iyon ay nasa labas ng bahay sila Lorna, Lara, Anthony at Rita. Nagtutulong-tulong sila sa paghahanda at pagluluto para sa second birthday ni Sophia. Kung tutuusin ay ilang buwan nang natapos ang ikalawang kaarawan ng bata, ngunit dahil ngayon lang nakaipon nang maganda-ganda si Rita ay inihabol pa rin n'ya ang paghahanda para dito. Si Anthony ang nakatoka sa pagbabantay sa kanyang pamangkin dahil napakalikot nito. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD