Nagkatitigan ang dalawa hanggang sa bigla na lang maubo si Rita. "Rita, ayos ka lang?" "A-ayos lang ako. Ano, n-nasamid lang." Nagkaroon ng ilangan ang dalawa sa isa't isa kaya pareho silang nag-iba ng tingin. "Um, Martin, may sasabihin ka pa ba?" "W-wala na. Sinabi ko lang kung ano ang nararamdaman ko para sa timothée o timotay na yun." "Martin, mabuting kabigan si timotay. Hindi mo lang alam, pero nung umuwi ako dito nung nagbuntis ako kay Sophia ay pinadadalhan n'ya ako ng tulong nang malaman n'ya ang kalagayan ko. Sinisiguro din n'ya na nakakapagpa-check up ako nang maayos, kaya, wala kang dapat alalahanin o ipag-ingat sa kanya dahil totoo at tapat siyang kaibigan. Tungkol naman sa ipinag-aalala mong pagkakalapit ni Sophia sa kanya, sa tingin ko naman ay walang masama doo

