Matapos kausapin ni Martin ang kanyang pamilya ay ang pamilya naman ng kanyang asawa ang kanyang kinausap. Nagalit ang mga ito sa kanyang sinabi. Nung una ay si Pilita na ina ni Claire lang ang kanyang kausap, ngunit nang suminghal ito ay napukaw ang atensyon ng asawa nito kaya ngayon ay dalawa na sila sa telepono. "Ano? Anong sinasabi mo diyan, Martin!" "Tito mando, tita Pilita, pasensya na po. Uulitin ko po; gusto ko na po sanang makipaghiwalay na kay Claire." "At bakit? Ano ang tingin mo sa pamilya namin? Hello? Martin?" Hindi na sumagot ang kanilang kausap dahil pinagbabaan na sila nito. Naroon si Claire sa itaas ng hagdan habang nakamasid sa mga nagpupuyos n'yang magulang sa ibaba. S'ya ang naunang kinausap ng kanyang asawa kaya alam na niya kung ano ang sinabi nito. Tila balewa

