“Madami na ngang tanga, nakikisama ka pa.” ISANG nakabibinging katahimikan ang bumabalot sa buong atmospera habang nandito ako sa kotse ni Charles at hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin. Mga isang oras na rin ang biyaheng hindi ko alam kung saan papunta. Kung itatanong ko naman sa kanya ayaw niyang sabihin. Kung hindi secret, heaven ang sasabihin niya. Anong problema nito? ZINNIA GRANGER “SULUTIN mo ang boyfriend ni Ericka. Kung hindi babagsak ang pamilya ninyo” – A. Pagtataka, iyan ang una kong nadama nang mabasa ko ang sulat na ito na galing kay A. A? Sino kaya yun? Sa dami kong kilala na A ang simula ng pangalan! Naloka naman ako! Nabigla ako nang mag-ring ang cellphone ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko ng malamang isang unregistered number ang tum

