“Nakakasawang umasa.” ERICKA ANDROMEDA “Stable na po siya,” sabi ng doktor sa akin. Nasa ospital kami ngayon, kasama ko si Zinnia. After niya akong tawagan agad niyang tinext sa akin kung saang ospital dinala si Paul. Nalaman ko ring nabaril siya kaya ganito ang kanyang sitwasyon. Anong meron? Hindi naman mahilig sa gang fights si Paul, a? Ayaw niya ring makisawsaw sa mga riot. E, bakit ganito ang sinapit niya? Patuloy pa rin sa pag-iyak si Zinnia. Siya na caring girlfriend. Kitang-kita ko ang panginginig niya. Ano bang meron? Ang mga mata niyang basa ng luha ay may bahid ng kung anong emosyon. Galit? Takot? Pangamba? Hay, di ko mabasa ang aura niya! Gulong-gulo ako. Nag-iba ang pakiramdam ko nang magsalita siya. Tanging ang boses niya ang bumasag sa katahimikang bumabalot sa aming

