Chapter 6- JOURNEY

2893 Words
HINDI makapaniwala sina Gantrick at Donovan sa kanilang nakikita. Ang sikretong silid na inaakala nilang pinamumugaran ng mga lumang gamit ay halos hindi kakikitaan ng kahit na anumang bagay bukod sa nagkalat na sapot sa paligid. Sa gitna ng silid ay mayroong isang maliit na kahon na gawa sa kahoy. Nagtataka namang nilapitan ng dalawa ito. Inihipan ni Gantrick ang kahon upang maalis ang mga alikabok na bumalot dito. Hindi na nag aksaya pa ng panahon si Gantrick at agad itong binuksan. Tumambad sa kanilang mga mata ang mga kasuotan na ngayon lamang nila nasilayan. Pakiwari nila ay para sa mga bata ang mga iyon. Sa ilalim ng mga iyon ay isang pilak na baluti at isang espada na may hugis diwatang tatak. “I’ve seen that mark before,” saad ni Donovan. Nagtataka namang napalingon sa kaniya si Gantrick. “What? Where?” “I can’t remember but I am quite sure that I have seen it somewhere.” Napapailing na tugon naman ni Donovan. Nang i-alis ni Gantrick ang baluti mula sa kahon ay may nahulog na papel mula rito. “ I think this is some sort of a… map?” Tumango naman si Donovan bilang pagsang-ayon kay Gantrick. Nakasulat sa papel ang syudad na kanilang kinaroroonan. Tinutumbok ng direksyon sa papel ang isang lugar na may ilang kilometro rin ang layo mula sa kanila. “What do you think, Gantrick? Should we go to that place?” tanong ni Donovan na ipinagkibit-balikat naman ni Gantrick. “It’s our only clue after all.” Agad silang pumanhik upang mag handa ng kanilang mga gagamitin para sa pagtungo nila sa lugar na iyon. Sunod-sunod naman na tunog ng doorbell ang sumalubong sa kanila sa kanilang pagbabalik mula sa lihim na silid. Nang silipin ni Gantrick mula sa bintana kung sino ang hindi nila inaasahang panauhin ay napakunot ang noo ng binata. “Isn’t she—” “My Ex-Girlfriend?” umiiling na putol niya sa kapatid. “What took you so long, Babe?” salubong ng babae nang lumabas mula sa loob ng tahanan si Donovan. “What are you doing here, Kate?” malamig na tugon ni Donovan. “Hindi mo man lamang ba ako papasukin sa loob?” “My brother and I were busy preparing things, Katelyn. Now tell me what do you want?” naiiritang tanong ng binata. Bago pa madugtungan ng binata ang sasabihin ay pumarada sa tapat ng sasakyan ni Kate ang sasakyang minamaneho ni Irene. Dahan-dahan itong lumabas sa sasakyan na nakasuot pa ng salamin at sumbrerong madalas makitang ginagamit ng mga kilalang tao sa kanilang lugar. Nakasuot ito ng maiksing shorts at fitted na damit dahilan upang mas maging kapansin-pansin ang magandang hugis ng katawan nito na nagpanganga naman kay Donovan. Nag mukha itong isang modelo dahil sa kaniyang kasuotan. Kinuha ng dalaga mula sa backseat ang ilang supot na hindi alam ni Donovan kung ano ang nilalaman. “I-Irene?” Nagtataka namang napatingin sa kaniya ang dalaga. “Yeah? What’s up?” “Oh, your girlfriend’s here na pala.” Dahan-dahan ang ginawang paglingon ni Donovan sa kapatid niyang nakalapit na pala sa kanila nang hindi niya namamalayan. Lumapad naman ang ngiti ni Katelyn dahil sa narinig. “You said her name was Irene. Right?” bulong ni Gantrick sa kapatid. Pasimple namang tumango sa kaniya ang lalaki bilang tugon. “Good to see you, Irene!” Nakangiting bati ni Gantrick kay Irene na ipinagtaka naman ng huli. Napansin ni Irene ang pagkalukot ng mukha ng babae na naunang dumating sa kaniya. Dahil dito ay naunawaan na ng dalaga ang sitwasyon na kinasasangkutan niya. Kung nakamamatay ang tingin ay nasisiguro niyang nakahandusay na siya sa lupa ng mga sandaling iyon dahil sa matatalim na tinging ipinupukol sa kaniya ni Katelyn. Dahil dito ay tinapunan din niya ng matalim na tingin ang magkapatid. Nakikita niya sa ekspresyon ng mukha ni Donovan na humihingi ito ng paumanhin, habang ang kapatid naman nito na siyang naglagay sa kaniya sa alanganin ay nagpapasipol-sipol lamang sa tabi nito. Tinaasan niya ng kilay ang babaeng kung makatingin sa kaniya ay para na siyang lalamunin nang buo. Paninindigan na lamang niya ang pagiging kunwaring nobya ni Donovan. “And you are?” mataray niyang tanong kay Kate. “Katelyn Larazabal, Donovan’s Girlfriend,” mataray din na tugon ni Kate. “Ex-Girlfriend,” pagtatama ni Donovan sa babae. Tila napahiya naman ang babae kaya sandaling lumambot ang ekspresyon ng mukha nito na ikinangiti naman ni Irene. Muling hinarap ni Kate si Donovan. “Look Babe, I just want to tell you that I’m truly sorry for cheating on you. But these past few days, I realized that I couldn’t live without you. I’ll die.” Hinintay ni Kate ang magiging tugon ni Donovan ngunit bigo siyang makarinig ng kahit na ano man lamang rito. “Don’t tell me that you like this skinny-wimpy woman who might fall if I slap her?” bulyaw ni Kate sa lalaki habang hinahagod nang tingin si Irene mula ulo hanggang paa. Humakbang palapit kay Kate si Irene at hinarap ito. Bahagya pa nitong inilapit ang mukha sa babae. “Why don’t you show us what you’ve got, girl?” Bahagyang napaatras si Kate. Tumaas ang kamay niya upang saktan sana si Irene ngunit sa kasamaang palad ay naging mas mabilis ang pagkilos ng dalaga. Bago pa tuluyang maitaas ni Kate ang kaniyang braso ay lumapat na sa pisngi niya ang palad ni Irene. Ang tunog nang malakas na sampal ni Irene lamang ang maririnig ng mga sandaling iyon. Hindi pa nakababawi mula sa tinamong sampal si Kate ay dumapong muli ang palad ni Irene sa kaniya nang dalawang beses pa. Napasalampak siya sa lupa dahil sa lakas ng mga sampal nito. “Who’s wimpy now?” Agad naman na dinaluhan ni Gantrick si Kate at inalalayan itong tumayo. Si Donovan naman ay nanatili lamang sa kinatatayuan nito at hinintay lamang ang pag pasok sa loob ng kanilang bakuran ni Irene na sinusunndan naman ni Gantrick. “Let’s go hon!” narinig pa ni Kate na tawag ni Irene kay Donovan. Ngunit bago tuluyang makapasok ay muli siyang hinarap ng dalaga. “Tell your family to send us invitations for your funeral, okay?” Nagtuloy-tuloy na ito sa pagpasok. Napatili naman dahil sa sobrang inis si Kate dahil sa pamamahiyang ginawa ni Irene sa kaniya. “WHAT THE HELL WERE YOU THINKING?” iritang tanong ni Irene kay Gantrick nang tuluyan na silang makapasok sa loob ng tahanan ng mga ito. “He needs help.” Matipid na tugon nito bago kumagat sa mansanas na hawak niya. “Thank you for saving me, HONEY!” pang-aasar pa ni Donovan sa kaniya. “Call me by that endearment again and I promise to kill you right away!” bulyaw ni Irene sa lalaki. Pagak na tumawa lamang ito sa naging reaksyon niya at lumapit sa kaniya upang inspeksyunin ang mga supot na bitbit niya. “Oh, so many fruits!” Naliligayahang saad ni Donovan. Agad na hinaklit ni Irene ang mga prutas at ibinalik sa supot na pinaglalagyan ng mga iyon. “This is for Gantrick, not yours!” “What? How about me?” nagpapaawang tanong ng lalaki. “I’ll buy you fruits if you would let me stab you in the stomach like what happened to your brother,” malamig na tugon naman ni Irene. “You’re cruel!” sagot naman ni Donovan na sinabayan pa nito nang pagsimangot. “If it’s animal cruelty, then I’m guilty,” dagdag pa ni Irene atsaka umupo sa sofa nina Donovan. Nang lumabas mula sa kaniyang silid si Gantrick ay sinalubong siya ng mga lumilipad na prutas. “Hey!” “That’s for you!” sigaw ni Irene mula sa ibaba. Naniningkit naman ang mga mata ni Donovan na nilapitan si Irene. Hindi pa nakuntento ang lalaki at prenteng umupo pa sa bakanteng upuan na kaharap ng dalaga. “WHAT?” bulyaw ni Irene sa kaniya. Mas lalo pang pinasingkit ni Donovan ang kaniyang mata. “Don’t tell me that you like my brother?” Napaawang ang bibig ni Irene dahil sa narinig. Muli pa sana niyang sisigawan ang lalaki nang lumipad patungo rito ang isang mansanas. Napakamot naman sa ulo si Donovan. “Stop your nonsense. We’re good to go,” wika ni Gantrick habang bitbit ang dalawang may kalakihang mga bag. “Alright!” ganadong tugon naman ni Donovan. Nagtataka namang nakatingin lamang sa magkapatid si Irene. “Off to somewhere?” “Yeah,” matipid na tugon ni Gantrick. Nangningning naman ang mga mata ni Irene. Bagama’t hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nito kay Donovan ay hindi naman maitatanggi ang pagiging bibo at mabuting tao ng dalaga. “Really? Where to?” Bago pa siya masagot ni Gantrick ay sumingit na si Donovan. “We’re not going out for leisure, Irene. Don’t get too excited.” “I understand.” Nakangiting tugon ni Irene bago tuluyang lumabas. Ngayon lamang ito nakinig sa kaniya kaya naman ay nag bigay nang kakaibang kilabot sa kaniyang sistema ang ngiting nakita niya mula sa dalaga. “Why do I feel that’s something’s going to happen?” tanong niya kay Gantrick na dumaan sa kaniyang tabi upang tunguhin ang kanilang sasakyan. “Paranoid ka lang. Make sure to lock all the doors!” utos ng binata sa kaniya. Sinunod naman ng binata ang bilin ni Gantrick. Maya-maya lamang ay sumunod na rin si Donovan sa kapatid. Labis ang pagkabigla niya nang makita si Irene at Gantrick na naglilipat ng ilang mga gamit mula sa kotse ng dalaga patungo sa sasakyang gagamitin nilang magkapatid. “What an actual f**k is happening here?” gigil na tanong ni Donovan sa dalawa. Hindi naman siya pinansin ng mga ito kaya naman ay hinaklit niya sa braso ang dalaga nang mapadaan ito sa kaniyang harapan. “What are you doing? I told you that we’re not going in vacation like what you are thinking!” Nanatili lamang itong nakatingin sa kaniya. “Let me go or else…” “Or else what? “RAPE! HELP!” Nataranta naman sa ginawang pag sigaw ni Irene si Donovan kaya naman ay agad niya itong binitiwan bago pa may makarinig dito at ipahuli siya sa mga pulis. “You’re going to find your mother, right?” tanong ni Irene sa lalaki. “Let’s be realistic here, Donovan. Finding your mother without any prior knowledge where she went or where she has been taken if she really got kidnapped by those people who broke in to your house, is like finding a needle in a haystack.” Batid ni Donovan ito noong una pa lamang kaya naman ay hindi niya kinontra ang mga winika ng dalaga. “And your point is?” “I’m going to help—” Hindi na pinatapos pa ng binata ito sa pag sasalita. “No! it’s too dangerous.” “I’m going to help you find your mother. It’ll be much better to have a smart, strong and gorgeous lady on board rather than just the two brusque lonely men like you two.” Pagtutuloy ni Irene sa naudlot niyang suhestyon. “She had a point, though.” Sabat naman ni Gantrick. “This is not a joke, Irene.” Seryosong paalala niya sa dalaga. “I know. But for some reasons, I just want to help the both of you.” Tugon naman ni Irene. “C’mon lovebirds! Hurry up!” sigaw ni Gantrick. Wala nang nagawa si Donovan kung hindi ang payagan na lamang si Irene na sumama sa kanila. “Let’s go.” “Where to?” sabik na tanong ni Irene. “To the City of Valhalla.” Tugon ni Gantrick. “Wow, that’s a little far. Let’s go!” Napailing na lamang ang dalawang binata sa ipinakikitang enerhiya ng dalaga. Maya-maya lang ay maririnig na ang pagkabuhay ng makina at ang unti-unting paggalaw ng sasakyang kinalululan nila. Habang nasa daan ay hindi mapigilang mamangha ni Irene sa magandang tanawin na dinaraanan nila. Ibinaba niya ang salamin ng binata at bahagyang inilabas ang kaniyang kamay. Ninamnam niya ang sariwang hangin sa labas ng siyudad na kaniyang tahanan. Binubusog niya ang kaniyang mga mata sa mga nagtatayugang bundok na kanilang nadaraanan. Sa ilalim nito ay ang malawak na kapatagang hitik na hitik sa mga nag gagandahang bulaklak at luntiang mga halaman. Mas lalo pang naligayahan ang dalaga nang madaanan nila ang malawak at asul na karagatang pinamumugaran ng iba’t-ibang uri ng buhay. Kulay kahel na ang kalangitan dahil sa papalubog na araw na siyang nagbigay nang hindi matatawarang kagandahan sa kapaligiran. “So beautiful.” Nakangiting bulong ni Irene habang nakatutok pa rin ang buong atensyon sa kapaligiran. Hindi naman naiwasang mapatingin sa kaniya ni Donovan na siyang nagmamaneho nang mga sandaling iyon. “Beautiful, indeed.” Napalingon naman sa kaniya si Irene. “Did you say something?” “N-nothing. Ano namang sasabihin ko?” pagtanggi naman ni Donovan. Nagkibit-balikat na lamang ang dalaga at muling itinuon ang buong atensyon sa labas ng sasakyan. Biglaan namang inilapit ni Gantrick sa headrest ng sasakyan ang kaniyang mukha at binulungan ang kapatid. “Beautiful, huh?” Pinamulahan naman ng mukha si Donovan. Hindi niya inaasahan na sa lahat ng pagkakataon na magmumulat mula sa pagkakahimbing ang kaniyang kapatid ay iyong oras pa na iyon. MATAPOS ang ilang oras na pagtalunton sa daan patungo sa syudad ng Valhalla ay napagdesisyunan nilang tatlo na tumigil muna sa isang kainan upang bumili ng kanilang maaaring makain. “We’re getting near sa lugar na ito,” wika ni Donovan, kasabay nang pagturo niya mapa. “If I am not mistaken, this is a mountain range, so we’re going on a hike after all,” ani Irene. “Don’t get too excited woman,” saad naman ni Gantrick nang makabalik ito sa sasakyan matapos bumili ng mga pagkain. “Yeah, yeah, I know. It might be dangerous,” sagot ni Irene na ginaya pa ang tono ng pananalita ni Donovan. Nang magkaroon na ng laman ang tiyan ay muli na nilang tinalunton ang daan patungo sa Mt. Odin na kilala na isa sa pinakamataas na bundok sa bansa. Nag unat-unat si Irene nang makalabas siya sa sasakyan. Dahil sa may katagalang byahe pakiramdam niya ay hindi na nasa tamang lugar pa ang ilang bahagi ng kaniyang katawan. “Let’s go,” tawag sa kaniya ni Donovan. Pinasok nila ang madilim na kagubatan. Tanging ang liwanag ng buwan at ang ningning ng mga bituin ang nag silbi nilang tanglaw paakyat ng bundok. “Don’t we have flashlights?” tanong ni Irene. “We do,” matipid na tugon naman ni Gantrick. “Then let’s use it. Masyadong mahina yung lights ng phone natin. I can’t barely see the road.” “We forgot to bring it,” tugon naman ni Donovan. “Great!” nanunuyang komento pa ni Irene. Gamit ang mahinang liwanag sa kanilang mga dala-dalang telepono ay muli nilang sinilip ang mapa. “I guess we’re here?” ani Gantrick. “Yeah, but what should look in this place?” tanong ni Donovan habang iginagala sa paligid ang paningin. “It would be better if we just camp here tonight. Bukas na tayo mag hanap ng iba pang mga clues,” suhestyon naman ni Irene. Nagpatango-tango ang mga lalaki at nag simula nang maghanap ng maaari nilang mapagpahingahan. Napili nilang itayo ang baon nilang tent sa ilalim ng mga puno na siyang mag sisilbing bubong nila. “I’ll gather some woods to make a fire.” Habang itinatayo ni Gantrick ang magiging pansamantala nilang silungan ay nag hahanap naman ng mga tuyong kahoy si Donovan sa ‘di kalayuan. Noong magbalik ang binata ay agad niyang isinaayos ang mga tuyong sanga ng puno. Sinusubukan pa niyang pagkiskisin sa bawat isa ang dalawang bato na hawak niya upang makagawa ng apoy. “What the hell are you doing?” nagtatakang tanong ni Irene. “Fire?” tugon naman ng binata habang patuloy sa pagpupursige na mapaapoy ang mga sanga gamit ang mga batong nasa kamay niya. “I know idiot! What I mean is bakit bato ang ginagamit mo? Are we in pre-historic era?” bulyaw ng dalaga. “Use this, Primitive Baboon!” Ibinato ng dalaga sa binata ang dala nitong lighter. Nahiga na sila kaniya-kaniya nilang mga lugar. Kapwa pinagmamasdan ang mga maningning na bituin sa kalangitan. Ang ingay ng mga punong nagsasayawan sa ugoy ng malamig na hangin lamang ang maririnig. Napakatahimik. Napakapayapa. Sa isip ni Donovan ay nag lalaro ang ideya na paano kaya kung ang bawat nilalang na nakatira sa mundong kaniyang ginagalawan ay walang sigalot? Nakatitiyak siya na ang mundo ay magiging maayos at maunlad. “Sana ay mahanap na natin siya. I hope she’s safe kung nasaan man siya ngayon,” Wika ni Donovan. Namutawi ang sandaling katahimikan bago niya narinig na nag salita si Gantrick. “Mahahanap din natin siya and when that time comes, I promise to protect her with my life.” Maya-maya pa ay dinalaw na rin ng antok ang binata. Unti-unti na siyang nilalamon ng kadilimang hindi na bago sa kaniyang sistema. Nang mga sandaling iyon ay tanging kapanatagan ng isipan at gaan ng loob na lamang ang nangingibabaw sa binata. “I will find you no matter what.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD