Keila "Here?! Really?!" di makapaniwala na untag ni Flavo ng makita ang lugar. Marahang tumango si Keila habang may malawak na ngiti sa kanyang labi. Sino bang hindi? Matagal na niya itong asam. Ngayon lang siya ulit nakapunta dito. Lumingon siya kay Flavo na ngayon ay nakaawang ang mga labi habang nakatitig sa harap nila. Napatawa siya ng mahina at tinanggal ang kanyang suot na seatbelt. Muli siyang tumingin sa harap at nakita niya ang mangilan-ngilan ng mga tao.Masaya sila at nagtatawanan. Kita sa kanilang mga mata ang ligaya at kuntento. Rinig din niya ang mga tili ng mga tao nakasakay sa ibat-ibang ride. "Anong problema if sa Amusement park tayo? Sabi mo diba na saan Ang l gusto ko? Here. I want here, Flav. I want to ride again." Sabi ni Keila habang nakatitig sa roller coaster. N

