Keila Napanganga siya sa nabasa niya. Nakasakay sila ng tricycle habang siya ay nakaangat ang tingin sa isang higanteng gate. 'La Bella Hacienda' Basa niya ulit. Spanish ba to'? Ang ganda ng pagkaukit ah. Tumingin siya kay Aglaia na ngayon ay malawak ang ngiti habang tumingin-tingin sa paligid. Marami silang dinaan bago huminto ang tricycle sa isang.. "Wow. Sayo to'?"mangha-mangha niyang tanong dito. "Yup." mayabang na sagot ni Aglaia at bumaba. Nakatulala siyang bumaba habang nakatingin parin sa bahay ni Aglaia. Bahay ba to'? "Keep the change, manong. Thank you." rinig niya kay Aglaia. Nakatuon parin ang paningin niya sa harapan niya. Ang ganda ng bahay. Pahagdan ang peg nito. May swimming pool ito at ang wall ay gawa sa salamin. Basta ang ganda. Sa gilid ay may hagdan. Mukhang doo

