A few weeks later "What is the real score between you and that freaking Billionaire, hmm?" Usisa ulit ni Jhiezel. Napabuntong hininga siya at inilapag ang dala niyang pitcher na may lamang juice galing kusena. "Seriously? Umagang-umaga sinugod niyo ako dito just because of that?" naiinis niyang sambit at umupo sa tabi ni Jhimer na ngayon ay may nakapaskil na mapaglarong ngiti sa mga labi nito. Hindi niya ito pinansin at tinoon ang atensiyon sa harapan niya. Tumawa ng sabay sina Reileigh at Jhiezel pagkatapos ay nagkatinginan sa isa't-isa then tatawa ulit. 'Mga baliw.' she thought. Halatang inaasar siya ng mga ito. Magkasundo kase ang dalawa pagdating sa asaran. Buti nalang walang Aglaia kundi mamamatay nalang siya bigla ng hindi niya alam dahil isa din yun sa pinakamalupit mang-asar.

