"Magbubus lang tayo?" gulat na gulat na tanong ni Keila kay Aglaia na ngayon ay may malawak na ngiti sa labi. "Yep." she answered and popped the 'p'. Napatampal naman si Keila sa noo niya. Ano pa ang ang maaasahan niya sa kaibigan niya? Mahilig itong gumala. Dora ito eh. Sana naman hindi siya magsuka sa kalagitnaan ng umaandar na bus. Niyakap na lang niya ang backpack niya sa dibdib at napailing-iling. Nasa terminal sila ng bus. Tulad ng sabi ni Aglaia, tinawagan nga niya ito kanina. Maaga pa nga yun eh at ang gaga nagtricycle lang. Yup. Nagtricycle lang sila papuntang terminal pero ayos lang tipid pamasahe naman. Sumunod nalang si Keila kay Aglaia tungo sa bus papuntang Batangas. May dala din itong backpack sa likod. Nakacap ito ng itim, nakadenim na jacket habang ang ilalim nito ay fi

