"Wag mo akong sasabihang hindi ko alam ang ginagawa." sabay sampal sa babaeng kausap nya.
"dad!, hindi ko kinukwestyon ang pamamalagad mo ang akin lang sumosobra kana. pati mga taong walang kinalaman sa business mo pinapapatay mo!" sigaw ng dalaga sa kanyang Ama.
nag lakad palabas ang dalaga mula sa kwarto ng kanyang ama.
"subukan mong lumabas diyan kakalimutan kong may anak akong isang katulad mo, na makitid ang utak.!" sigaw ng ama nya sa kanya. galit na galit ang matanda sa kanyang anak. pero laking gulat nyang dahan dahang humarap sa kanya ang kanyang anak at tumawa ito ng may nakakainsultong tuno.
"ako? itatakwil mo? paano?" sunod sunod nitong tanong sa ama, kasabay nun ay ang dahan dahan nyang muling paglapit dito.
"hindi mo pwedeng gawin yun. ako na ang REYNA remember?!" sabi nito at binigyang diin ang salitang Reyna.
mababaksa sa mukha ng matanda ang pagpipigil ng galit dito.
"anong pinamumukha mo ngayon sa akin?" tanong nito sa kanyang anak.
"gusto mong malaman?" tanong nito sa kanyang ama, alam ng matanda na mali ang tanong na binitawan nya, " hindi mo kakayanin ang mga kondisyon nito, Alpha." pag kasabi nya nun ay nagmamadaling naglakad palabas ang dalaga, ang kanyang lakad ay makapangyarihan, babae sya pero makapangyarihan ang awrang lumalabas sa pagkatao nya.
ano kaya ang mangyayari sa kanya at sa kanyang ama?