Sa isang marangyang gabi sa Everhart’s University, masayang nagkakasiyahan ang mga estudyante sa malawak na Auditorium ng kanilang paaralan. Isang gabi ng pagdiriwang para sa anibersaryo ng unibersidad, kitang-kita sa kanilang mga kasuotan ang labis na kayamanan. Talagang pinaghandaan nila ang selebrasyong ito.
But the students are unaware that all the real fun has not yet started. Other departments are awaiting their initiation.
Ang Everhart’s University ay nahahati sa dalawang Departamento. Ngunit lingid ito sa kaalaman ng iba, ang Everhart's pala ay paaralan ng mga mayayaman at mafia. Ngayong gabi gaganapin ang tinatawag nilang “Bloody Night” o “Night of the Long Knives”—isang termino na ginagamit upang ilarawan ang gabi ng maramihang pagpatay.
Alam na nila kung sino ang dapat nilang kunin; walang iba kundi ang mga pamilyang palihim na nagtatraydor sa Everhart’s. Batid nila ang bawat galaw ng pamilya ng kanilang mga estudyante. Kaya, ang naging kasalanan ng kanilang mga magulang ay sa mga anak isisisi.
As the night wore on, Everhart's University only got noisier. With the precision of alcohol, their senses were gradually lost.
Biglang tumigil ang malakas na musikang sinasabayan ng pag-indak ng mga estudyante. Tumayo sa harap ng entablado ang kanilang Prinsipal, nakangiti at balisang mag-aanunsyo.
“Magandang gabi, Everhart’s Students! Nag-enjoy ba kayo?! Patalastas muna tayo, mayroon lang akong importanteng sasabihin. Una sa lahat, maraming salamat sa inyong pagdalo sa ating espesyal na gabi. Alam kong dapat kasama niyo ang inyong pamilya ngayon, pero narito kayo at talagang inilaan niyo ang gabing ito para sa ating Anibersaryo. Ngayong gabi, magsisimula na ang tunay na selebrasyon. At siguradong magiging isang memorable ang gabing ito!
Malakas at umaapaw sa saya ang sabi ng Prinsipal. Malakas na nagpalakpakan ang mga estudyante. Wala silang kaalam-alam na pinasok na sila ng mga taga-ibang departamento.
Unang sumugod ang grupo ni Zaki Carter. Agad niyang pinalo sa leeg si Leonardo Ruiz. Nagulat naman ang mga katabi nito. Nakita nilang may hawak na balisong si Zaki, dahilan para sumigaw ang mga kaklase ni Leonardo, kasabay ng biglang pagpatay ng mga ilaw, kaya lalong nagkagulo. Kanya-kanya na silang takbuhan para mailigtas ang kanilang buhay. Sinunod nilang kinuha si Samantha Vegas na nasa kabilang mesa lang. Malakas siyang sumisigaw at nagpupumiglas para makatakas.
Sa kabilang dako naman, makakatakas na sana si Sally Sinclair, ngunit itinulak siya ng kanyang kaklase dahilan para madapa ito. Kaya walang kahirap-hirap siyang nahawakan ng kasamahan ni Zaki. Sisigaw pa sana ang dalaga ngunit hindi na natuloy. Malakas siyang hinampas sa leeg, dahilan para mawalan ng malay.
Ang masaya sanang gabi nila ay nauwi sa isang trahedya na hindi makakalimutan. Lahat ng ito ay plano. Ang mga inuming alak na inihanda ay may nilagay na gamot para makalimutan kung anong nangyari ngayong gabi. Isang gamot na lagi nilang ginagamit tuwing may gaganaping events dito sa paaralan.
Magkakaroon sila ng Anterograde Amnesia, mahihirapan maalala ang mga nangyari matapos uminom. Hindi pwedeng walang magbuwis ng buhay sa gabing ito. Ika-tatlumpung taon na nilang ginagawa ang Bloody Night, kaya tatlong buhay ang magsasakripisyo ngayong gabi para sa magiging matatag na paaralan at samahan ng bawat pamilyang kabilang sa Everhart’s University.
Kaya ang nasabing paaralan ay mayroong sariling hospital kung saan nakatutok sa mga estudyante. Lahat ng magiging aktibidad sa paaralan ay para sa Occupational Therapy, upang magturo ng mga estratehiya para sa pang-araw-araw na pamumuhay kahit may memory loss.
Dinala ng grupo ni Zaki ang tatlo sa torture room, para simulan ang pagpapahirap. Ang pader ay may bakas pa ng mga dugo ng pinahirapan noong nakaraang linggo. May tatlong upuan sa gitna ng Torture Room, at isang mesa sa tabi nito. May mga iba't ibang uri ng mga instrumento ng pagpapahirap sa ibabaw ng mesa, tulad ng mga kutsilyo, mga pako, at mga pang-ipit.
Sumunod na pumasok sina Don Everhart, kasama ang ibang nakatataas. Lahat sila ay nakasuot ng maskara para hindi makilala, kasama rin nito ang nag-iisa niyang anak na bagong namumuno sa paaralan.
Umakyat silang lahat sa ikalawang palapag, kitang-kita mula roon ang tatlong estudyante.
"Simulan niyo na ang pagpapahirap!" Malamig at awtoridad na utos ni Ms. Everhart bago ito umupo sa kanyang puwesto. Naghihintay naman ang mga tanders (matatanda) sa kung anong mangyayari.
“Sandali, parang iba ang nakuha nilang isang estudyante? Baka madali tayo niyan.” Seryosong sabi ni Mr. Kingswell habang nakatingin sa tatlong estudyante.
"Kung sino na ang nandiyan, iyon na! Wala na tayong oras para hanapin 'yung isang estudyante. Hindi tayo madadali kung walang magsusumbong." Malamig na sagot ni Don Everhart. Nagkatinginan naman ang mga tanders. Nanatili namang tahimik si Ms. Everhart dahil palpak ang grupo ni Zaki, malinaw naman kung anong nakasulat sa kanilang mission.
Kinuha na ni Zaki ang isang kutsilyo mula sa mesa at lumapit sa tatlong estudyante. Una niyang pinunit ang damit ni Leonardo, bago iginuhit sa dibdib ang pattern ng isang pagpapahirap gamit ang hawak nitong kutsilyo. Malakas na napasigaw ang binata dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Tila nawala ang pagkalasing niya. Malakas siyang sinuntok sa mukha ni Zaki, tumalsik ang dugo nito at natanggalan ng dalawang ngipin. Muli niyang hiniwa ang dibdib, malalim at halos kapusin na siya ng hininga sa sakit. Nagpupumiglas siya para makatakas, ngunit mahigpit ang tali ng kanyang dalawang kamay sa may upuan.
Hindi pa nakuntento si Zaki, muli niyang pinagsusuntok sa mukha ang binata. Walang ibang bukambibig si Leonardo kundi ang magmakaawa na itigil na, ilang beses siyang sumigaw na may kasamang pag-iyak.
Tuwang-tuwa naman ang mga nanonood sa kanila. Tila isang musika sa kanilang pandinig ang kanilang mga sigaw na may kasamang pagmamakaawa. Isinunod nila ang dalawang babae. Si Samantha Vegas, halos pareho sila ng natamo ni Leonardo. Umalingawngaw sa buong Torture Room ang boses ng dalawang dalaga. Nagpupumiglas at pilit kumakawala dahil hindi na nila kaya ang sakit. Kitang-kita ni Sally kung paano hiwain ang dibdib ni Samantha Hindi pa natapos, sunod-sunod na sampal at suntok sa mukha ang natamo ng dalawang dalaga. Halos mabura na ang kanilang mukha, naliligo sa kanilang sariling mga dugo.
Nakangisi naman si Ms. Everhart habang pinapanood ang pagpapahirap sa tatlong estudyante.
“Siguraduhin niyong hindi sila makikilala ng kanilang pamilya. Para malaman nila kung sino ang kinakalaban ng kanilang magulang!!” Malamig na utos ni Ms. Everhart bago muling nagsalin ng red wine sa kaniyang baso.
Malakas ang kanyang loob, dahil walang magtatangkang kalabanin ang Everhart.