Sampal galing kay Mommy ang natamo ko. Sinapo ko agad ang aking pisngi at saka marahas siyang nilingon. Galit na galit ang kanyang mata habang dinuduro ako.
"Wala ka talagang respeto! Bakit mo ginaganyan ang Daddy mo? Hindi mo ba alam nang dahil sa kanya ay nagkaroon ka ng marangyang buhay? Mahiya ka naman!"
Sarkastiko akong tumawa. "He is not my Dad, Mom!"
"He is!" giit niya. "At kailangan mong ipasok sa kokote iyan, Anastasia!"
"He is not my dad!" pag-uulit ko. "And he will never be!"
Nangilid ang luha sa aking mata nang tinalikuran ko siya. Well, this is my life. Kahit gaano pa kabait ang bagong asawa ni Mommy na sobrang yaman ay hindi ko pa rin matanggap.
The new husband of my evil mom is very kind. Hindi ko akalain na lumambot ang loob niya sa mommy ko. I hate him for being kind and I hate him for spoiling me too much. Ayoko nang ganoon.
Nasa akin pati ang kanyang apelyido. The richest of the richest surname in our town. Ferrer.
Habang ako ay tumatanda, namulat ako kung gaano pala ka-importante ang magkaroon ng pera. Money makes you powerful. Lahat ng tao ay luluhod sa iyo. Lahat ng tao ay susunod sa iyo because you have the money.
If my mom loves her husband's money because it will make her powerful, I desperate need money to escape. At hindi ko iyon magagawa kasi si mommy ang pumipigil sa asawa niya na bigyan ako ng pera.
Kailangan ko ang pera para makawala sa pamilyang ito at hahanapin ko ang totoong ama ko.
"You are grounded, Anastasia! Wala kang makukuhang pera mula sa amin!" sigaw niya habang lumalayo ako.
Padabog kong sinarado ang pinto at saka dumiretso sa kama. Humilata ako roon at saka tahimik na pinunasan ang luha na tumakas sa mata ko.
Ever since my mom married that rich man, nag-iba na siya. Wala na siyang pakialam sa akin. Mas may pakialam pa siya sa pera ng asawa niya at ang mga anak nito. Naramdaman ko na parang sampid na lamang ako rito.
Kaya noong minsan na inaway ko ang anak ng asawa ni Mommy sa ibang babae, kinampihan niya ito at ako ang ginawang masama. Inaway ko lang naman iyon dahil sinabihan ako na malandi.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at saka dumiretso ako sa study table. Marami akong mga letters na natanggap. Lahat ng iyon ay galing sa mga mararangyang lalaki sa buong lungsod na ito. Lahat ng ito ay nanghihingi ng kamay ko para sa kasal.
Pero ayokong magpakasal sa taong hindi ako bibigyan ng pera. Dapat mayroon kaya minabuti ko munang pag-aralan ang mga pangalang nagpapadala sa akin.
***
"Masakit ba ang sampal ni Mommy?"
Natigil ako sa paglalakad nang nakita ko si Rina, step-sister ko, na nakasandal na sa pader malapit sa kuwarto ko. Nagtaas ako ng kilay sabay baling sa kanya.
"Masakit, bakit?"
Humalakhak siya. "Ano ba ang feeling na pati ang mommy mo ay nasa akin na rin, Anastasia?"
Humalukipkip ako at niliitan ko siya ng mata. "Ano ang feeling maging pangit, step-sister?" Hinaplos ko ang buhok ko at nang-aasar ko siyang tiningnan. "Kasi hindi ko naranasan iyon, e."
Nakita ko ang paglukot ng kanyang mukha.
"Don't worry." Napawi ang ngiti ko at sumeryoso. "Once na nakapili ako ng mapapangasawa ko, hindi mo na makikita ang pagmumukha ko."
Inirapan ko siya at saka ko siya nilagpasan.
"Sino naman ang kukuha sa iyo bilang asawa ng mga mayayamang lalaki? Mukha ka namang pera. Walang lalaking uubusin ang pera para sa babaeng katulad mo. Ganda lang ang mayroon ka pero wala kang class! You are just a b***h in here!"
Marahas ko siyang nilingon at saka mabilis siyang nilapitan. Mabilis siyang nakaatras ngunit mas mabilis ang kamay ko na ngayon ay nakahawak na sa buhok niya. Tumagilid ang ulo niya dahil sa ginawa ko.
"Aray!"
Inangat ko ang gilid ng labi ko at saka tinaasan siya muli ng kilay.
"At least maganda ako. Ang class, matutuhan, maaayos, pero ang ganda, hindi. Saka mo lang ako aangasan kapag maganda ka na, ah. Hindi ako nakikipag-away sa mga kalahi ng mga feeling class, cheap naman ang galawan."
Inis kong binitiwan ang kanyang buhok kaya muntik na siyang tumama sa pader. Bago pa man niya ako maresbakan ay biglang sumulpot ang isang kasambahay.
"Ma'am Anastasia, may bagong sulat po na dumating. Para po sa inyo..."
Kumunot ang noo ko. "Kanino galing?"
Binasa naman ng kasambahay ang nasa envelope. "Mula kay Mr. Xyrus Herbert Dela Cerna po."
Umawang ang labi ko at nakita ko rin sa gilid ng mata ko ang panlalaki ng mata ni Rina.
I smirked.
"Give me that." Sinenyasan ko siyang ibigay sa akin.
"Hey! Sigurado ka bang kay Anastasia iyan? Baka naman ay para sa akin iyan!" agresibong sambit ni Rina at akmang aagawin niya pa sa akin ang envelope ngunit inangat ko ito sa ere.
"Hindi ko akalain na mang-aagaw ka na pala ngayon, Rina?" Tumawa ako pagkatapos. "Hindi naman Anastasia ang pangalan mo, right?"
Napalunok siya at naiiyak na.
"This is for me, Rina. Hindi sa iyo."
At saka ako tumalikod upang magtungo pabalik sa kuwarto.