My hands were trembling as I tried to dial Frederick's number. Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala na akong pakialam. Ang tanging nasa isip ko ay ang imahe ni Daddy. Isang buwan na ang nakalipas simula nang nagkaroon kami ng contact ni Frederick at simula noon, wala na siyang ibinalita sa akin tungkol kay Daddy. Siguro dahil busy. Pero ngayon, gusto ko malaman kung ano ang nangyari kay Daddy. Baka nag-hallucinate lang pala ako. My tears were falling and I couldn't properly dial Frederick's number. "Miss, okay ka lang?" The security guard approached me. Bahagyan siyang lumapit upang masilip ako. "I-I'm okay," ani ko habang nagpatuloy sa pag-dial. "Please leave me alone." Muntik ko nang nahulog ang phone ko nang may bumangga sa akin. Mas lalong tumulo ang luha ko. "Sorry, Miss!

