"Here is your ID." Namimilog ang mata ko habang tinatanggap ang ID mula kay Xyrus. Halos hindi ko na maitikom ang bibig ko sa sobrang gulat. Napakurap-kurap ako at saka tiningnan siya. Kumunot ang noo niya sabay tungo sa kanyang desk. "What?" Umupo siya at saka binuksan ang kanyang computer. "You don't like it?" "ID ko talaga ito?" hindi makapaniwala kong tanong sabay baba ng tingin sa aking ID. "Ang ganda!" "You will start tomorrow, Anastasia. Design, okay? Make sure that I will like it," simpleng aniya at saka itinuon na ang pansin sa kanyang computer. Hindi mawala sa mukha ko ang saya. Buong araw akong nakatingin sa ID ko na suot ko na. Like, this is actually my first job. Kahit hindi man regular ang trabahong ito, masaya ako na may ID ako. This is my first time at nakakaiyak sa

