Zaraine's POV. "Mommy!!" Napalingon kami nila Mishelle at Jonas ng marinig ang sigaw ni Grey. "O! Nag-aaway nanaman yata ang dalawa!" Turan ni Jonas. "Sandali. pupuntahan ko lang sila. Maiwan ko muna kayong dalawa" Tumayo na ako at tinalikuran na ang mga ito. Nakakatuwang makita itong dalawa na magkasama. Ikinasal ang mga ito last year. At ngayon magkaka-anak na din sila. "Greg?! Bakit umiiyak si Grey?" "Eh kasi po Mommy. Kinuha niya po ang toy gun ko." "No Mommy! I just borrow it but he doesn't want." Lumuhod ako sa harap ni Grey na ngayon ay basang-basa ng luha ang muka. Pinunasan ko ito gamit ang hintuturo. "Grey. Anak? Binilhan naman kita ng mga dolls. Ayaw mo ba nun?" "I don't like it Mommy. Gusto ko yung kay kuya!" Naka-simangot na turan nito. "Okey okey. Stop cryin

