Andy's Pov:
"Letcheng buhay to!" Naalimpungatan ako sa ingay na araw-araw ko nalang naririnig! Ano pa nga ba? ang mga mahal kong magulang nag babangayan nanaman!
Naka higa ako ngayon dito sa kwarto ko at nakatingala sa puting kisame! Pinapakingan ang mga sigawan at iyak ni Mommy!
"Ayan! diyan ka magaling ang mag walk out! Sige dun kana sa kerida mo!"
"Kerida?! Come on lucy! Kung dimo lang ako sinet up sana si Amanda ang totoong Asawa ko ngayon! Kaya wag na wag mong sasabihin yan sakin!"
"Wala kang utang na loob! Pagkatapos ko ibigay sayo lahat! Binigyan ng pwesto sa kumpanya namin, tapos ito igaganti mo!?
"Bakit ba kasi ayaw mong pirmahan ang divorce paper para matapos na to!"
"Huh! Mag dusa kayo kahit mawala pa ako sa mundo di ko pipirmahan!"
"Kung yan ang gusto mo bahala ka!"
"Walang hiya ka! Romy! Bumalik ka dito!"
Isa sa mga naririnig ko na paulit ulit nalang tungkol sa isa niyang pamilya!
Tanging iyak nalang ni mommy ang naririnig ko.
'Sa tuwing ganyan sila nasasaktan ako! Lalo na pag nakikita kong umiiyak si Mommy, noon pa man ganyan na si Dad! Lagi nyang sinasaktan si Mommy, kinalakihan ko na ang ganitong sistema ng pamilya namin, may pera nga kami pero hindi kami Masaya! Kaya pag babayaran nyo ito Shareena! Kayo dapat ang mabura dito sa Mundo!'
Pinunasan ko ang mga luha gamit ang likod ng palad ko at ibinuga ang ang naipong hangin sa dibdib ko!
Bumangon ako at tinungo ang pinto, binuksan ko ito at sinilip ang nasa ibaba pero wala na sila Mom at Dad! Napag pasyahan kong bumaba nalang at nakakaramdam na din ako ng gutom.
Habang hinahakbang ko pababa ang bawat baitang ng hagdan ay napasingahap ako sa narinig na mga nabasag na babasaging mga flower base!
"Mom?!" Dali-dali akong bumaba pag tapak ko sa sahig ay agad kong iniiwasan ang mga bubug na nag kalat.
"Senyora tama na po!"
"Mom please tama na!" Inaawat namin ito sa pag tatapon ng kung anong mahahawakan ay ihahagis nito.
"Aaayyy!!" Napasigaw si manang na muntik ng mataaman ng figurine.
"Mom!" Niyakap ko ito mula sa likod at hinawakan ang dalawang kamay.
"Aah! Lahat ginawa ko para mahalin nya ako pero sila parin!" Nag uunahan ang mga luha ko na nakikitang ganito si Mommy!.
"Mom please enough, hindi makakatulong yang ginagawa nyong pag wawala," pinaupo ko ito at pinapakalma
"wag na po kayong umiyak huh? wag kayong mag alala! Ipag hihiganti ko kayo!" Niyakap ko ito at hinahaplos ang nuhok nito habang humahaguhol sa balikat ko.
"Manang! paki linisan lahat ng nabasag!"
"Opo senyorita!" Nag mamadali ang mga ito sa pag walis, kaya inakyat ko muna si Mommy sa kwarto nito at pinainom ng anti depressant para makatulog na din.
Ng makatulog ito lumabas na ako ng kwarto at bumalik sa ibaba para kumain.
"Manang kakain na ako"
Hinila ko ang upuan sa mesa at umupo inilapag ko dito ang cellphone ko at naka lumbaba.
"Sige po Senyorita, ipag hahanda ko na po kayo ng pagkain"
Habang hinihintay ko ang pagkain, biglang tumunog ang cellphone ko, tiningnan ko ito at may message mula kay Coleen isa sa mga kaybigan ko.
-"Sis open your IG asap!"-
Mabilis kong binuksan ang app ng IG ko at may pinasang picture sakin!
Picture ni Gareth na may matamis na ngiti, ilang segundo ko pa itong pinag mamasdam, pero nilipad ng hangin ang mga mata ko sa Caption nito.
"Finally She Say Yes!!"
Naningkit ang mga mata ko sa nabasa
Dahil sa kuryusidad kung sino ang tinutukoy nito pumunta ako sa comment section.
-" congrats bro!"-
-"and whos the lucky girl?"-
-"wow! You nailed it hahaha"-
Di ko na tinapos ang pag babasa at biglang uminit ang ulo ko!
"Hello! Alam mo ba kung sino yubg babae?!"
"Hindi eh pero malakas ang loob ko na yung atchay hahahaha-
"Shut up! Hindi nakakatuwa!"
"Ow im just kidding Sis! Alamin mo nalang kung sino"
Pinatay ko ang cellphone dahil sa inis!
Kasalanan to ni Shareena! Kung ginawa nya lang ng maayos ang trabaho nya edi sana hindi ako mag kaka problema!
Flashback"
"Ayan na sya Sis! Mukang lalapit dito sa mesa natin!"
Parang kinikiliti itong si coleen sa paparating na si Gareth.
Napa ka gwapo talag nito, bilugang mga mata at napaka tangos ng ilong ngiti nito na nakakatunaw.
"Ay nilagpasan tayo?!"
Nilingon namin ang tinungo nitong mesa!
Naka upo ito sa tabi ng Kapatid ko?!
Iba ang mga titig nito sakanya, pero itong shareena deadma lang halatang walang pake sa taong katabi!
"Shocks girl! Mukang may karibal ka ata at si Shareena pa hahaha"
"Shut up!"
Pinanlisikan ko ito ng mata tsaka kinuha ang bag at umalis sa lugar na yon!
Tinungo ko ang kotse at agad sumakay!
"Peste talaga kayo! Aaaah!" Naramdaman kong Namamanhind na ang kamay ko sa kakahampas ng manibela. "Lahat nalang pabor sa kanya! Inagaw na nga nila si Dad pati ba naman yung lalakeng gusto ko mapupunta pa sakanya?!"
Napag pasyahan kong umuwi kahit di pa tapos ang klase kaya Pina-andar ko ang kotse at pinatakbo ito ng mabilis!
Kinagabihan nainip ako sa bahay, kaya inaya ko ang mga barkada ko na mag bar buti nalang game ang mga ito.
"Cheers!" Sabay sabay naming sigaw! Nilagok ko ang laman ng kopita hangang maubos ko ito.
"Woooh!" Napasigaw ako sa tapang ng alak.
"O! Anong balak mo ngayon!"
Lalo akong nabingi ng mag salita itong si coleen! Ang lakas kasi ng tugtog kaya pasigaw na yung pag uusap namin.
" kaylangan kong maka usap ang magaling ko kapatid!
"Mabuti kung papakingan ka nun! Paano kung sila na pala ni Papa G?!"
Halos mabasag na sa higpit ng pagkakahawak ko sa kopitang hawak-hawak ko!
"Pwes! Hindi nya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya!"
"Alam mo sis para mawala yang init ng ulo mo? Tara isayaw natin yan!!"
Tumayo na itong si Jena at coleen
Hinihintay ang pagtayo ko .
"Let's go and have some fun?!"
Tumayo ako naunang pumunta sa Dance floor.
"Woooh!" Para kaming nakawala sa hawla kung sumayaw, napansin ko pinalibutan na kami ng mga kalalakihan kaya kaya naging mainit ang pagsasayaw namin.
Sa kalagitnaan ng pag indayog napa sapo ako sa ulo at biglang umikot ang paningin ko. "Hey are you ok?"
Tiningnan ko lang itong lalaking naka alalay sakin nakahawak ito sa may balakang ko kung kaya tinabig ko ito!
"Hey what's wrong with you"
"Stop calling me hey ! Tatadyakan kita!" Tinalikuran ko na ito at tinungo ang mesa namin.
'Aargh! Ano ba yung ininom namin bat ganun ka lakas?'
Pag dating sa pwesto umupo ako ng pabagsak at isinandal ang ulo sa sandalan ng upuan.
Pinikit ko muna saglit ang mga mata para ma relax. Pero umiikot talaga ang pakiramdam ko, dinilat ko ang mga mata at kinapa ang sling bag sa tabing upuan,
Pinilit kong tumayo kahit hilong-hilo naka tatlong hakbang pa ako ng bigla nalang akong natumba pero pakiramdam ko may mga kamay na naka salo sakin, pilit kong dinilat ang mga mata para kilalanin pero tuluyan na akong nawalan ng malay.
**
Pero pag gising ko nasa kwarto na ako kaya napa isip ako kung sino ang nag hatid sakin dito sa bahay?!
Dali-dali akong bumangon at tinungo ang hardin alam kong naroon si mommy pag ganitong oras
" mom?! Mom! "
"Bakit kaba nag sisisigaw?" Nilingon ko ito sa gawing kanan, na nag ka Cut ng roses.
"Mom sinong naghatid sakin kagabi"
"Bakit?! Naglasing kananaman ba?!"
Naningkit ang mga mata nito 'shocks! Lagot mabuking ako!
"Am No?! Sige ho mag aalmusal na ako"
"But wait!-" hindi ko na ito nilingon at tumakbo na ako pabalik sa kwarto.
Dibale na kung sino ang nag hatid ang importante buhay akong nakauwi!
Nang araw na yon umalis ako ng bahay para pumunta sa mall, kaylangan kong mag unwind,
"Ow nice dress!"
"Bagay po yan sa inyo ma'am!"
Napalingon ako ng magsalita ang sale's lady sa likuran ko.
" yeah i know!" Binalik ko ang tingin sa damit na naka hanger, kiniha ko ito at inangat konti, pero sa may napansin akong dalawang taong pumipili din, medyo distansya ito sakin kaya tumalikod ako .
"Sino yang kasama nya?!" Binalik ko ang hawak-hawak kong dress at naglakad sa katabing estante na di nila ako mapapansin.
Sinisilip ko sila, napa laki ang mga mata ko ng halos halikan na nito ang kapatid ko parang bumulong ito at sabay alis naiwan mag isa itong si Shareena, kaya dali-dali akong humakbang para lapitan ito.
"Aba?! Nandito ka rin pala?!"
Pa lingo lingo pa ito ng makita ako.
"K__Kanina ka pa ba?!"
Utal na turan nito. Ngumiti lang ako sa inasta nito parang takot na takot.
"Boy friend mo ba si Darren?"
Natulala ito sa itinanong ko.
"Gulat ka ba! Wag ka ng mag kaila kitang kita ko kayo"
"Wala ka na dun!"
Tinalikuran ako nito kaya agad kong hinawakan ang braso nito!
"Wag kang bastos!tinatanong pa kita!"
Natigilan at hinili nito ang braso at humarap sakin
"Alam ba to ni Dad?!"
"Kung hindi ka mag susumbong hindi nya malalaman!"
"Aba matapang kana ngayon?! Tingnan natin kung hang saan ang tapang mo kung malalaman ni Dad na ang anak nya sa kabit ay Boyfriend ang anak ng Mortal nyang kaaway!"
Nagtaas baba ang dibdib nito at namumula ang mga mata ng nilagpasan ko.
"Sis si Gareth oh! Lapitan mo na dali"
Halos itulak ako nila Coleen at Jena
Ng makita si Gareth kaya inayos ko ang sarili "ayos naba ang itsura ko?!" Tanong ko sa kanila.
"Oo maganda kana dali!"
Huminga muna ako ng malalim bago humakbang, abot tenga ang mga ngiti ko habang papalapit, pero bigla itong tumayo at sinalubong si Shareena!
Natuod ako sa kinatatayuan habang pinapanood sila!
Taas noo kong Tinalikuran ang mga ito.
Bago mag uwian inabangan ko itong si Shareena sa harap ng Univeristy.
"Shareena!"
"Ano nanaman ba?!"
"Mag-usap nga tayo!" Huminto ito at humarap sakin,
"Ano ba ang gusto mong pag usapan natin?! Tungkol nanaman ba ito kahapon? Ate pwede ba! Tama na!"
" diba may boyfriend kana? Kaya king pwede lang tantanan mo na si Gareth!"
Halos mapunit amg bunga-nga nito sa pag tawa.
"Seryoso kaba?! Wow huh! Edi lalayo, pero siya ang lapit ng lapit sakin eh?"
Natahimik ako, kaya umalis na ito sa harap ko. Kinuyom ko ang mga kamao
At matulis kong tingnan ito papalayo.
Letche! Lahat nalang Pabor sa kanya!
Umuwi ako ng hindi maalis sa isip ko ang nangyari.
Kahit anong gawin ko hindi ako napapansin ni Gareth, pero paano kung mapunta sya sa ibang Babae? Mas mabuti na siguro kung kay Shareena mabilis ko lang ito makukuha! Pero paano may boyfriend na ito?!
Tama! Alam kona hmmm!
Kinaumagahan pumunta ako sa bahay nila Dad,
"Tita si Shareena?"
"O Andy ikaw pala" kakainis ang bait nito o nag babait baitan lang?
"Andy! Anak napadalaw ka?"
"Dad!" Lumapit ako at bumeso
"Si Shareena po nandyan ba?"
"O ayan na pala si Shareena" nilingon ko si tita ng sabihin nya ito
"Sige maiwan muna namin kayo"
"Ah Andy dito kana mag tanghalian ha."
"Sige po tita" tuluyan na umalis ang mga ito.
"Anong masamang hangin ang naghatid sayo dito?!"
Nilingon ko ito ng may plastic na ngiti.
"Dederetsohin na kita, May gusto kaba kay Gareth?!
"Yan nanaman ba?!"
"Oo o hindi!?"
"Hindi! Okey na?!"
"Good! Alam kong may gusto siya sayo! Kaya may isang kundisyon ako sayo?!"
"Kundisyon?"
" hindi ko sasabihin kay Dad na boyfriend mo si Darren kung Sasagutin mo si Gareth bukas mismo! Mag oo ka kahit di pa siya nanliligaw wala akong pake basta bukas mismo magiging kayo na!"
"Seryoso?! Nahihibang kana ba?! Pano kung ayoko?!"
"Ok madali akong kausap, tutal nandito nalang man din ako Sasabihin ko na kay Dad ang tungkol sa boyfriend mo!"
Akmang tatalikod na ako ng mag salita ito.
"Sandali! Hangang kaylan?" Napangiti ako sa reaksyon nito.
"Hangang sa oras na mapansin niya ako, basta wag lang siyang mapunta sa iba! Kaya galingan mo ang pag panggap na mahal mo siya"
End of flashback-
"Senyorita naka handa na ang pag kain nyo."
Bumalik ako sa wisyo ng magsalita si Manang!
"Ligpitin nyo na! Wala na akong gana!"
Umakyat na ako sa kwarto at pabagsak kong sinara ang pinto.!