ZARAINE'S POV:
"Wooh! Number Eight i love you! " napapatakip ako ng tenga kapag tumitili si heide, may laro kasi ng basket ball dito sa university, ayoko sanang manood pero mapilit itong si heide, engineering vs HRM ang maka tunggali gusto nitong mapanood ang grupo nila gareth kaya nikiki cheer na rin ako.. nasa malapit umupo si shareena, nakikita ko kung paano asekasohin nito si gareth, pinupunasan nito ng pawis tuwing magpapahinga ito, simula nung lagi nyang kasama si shareena madalang nalang ito kung bumisita sa mansyon nila sir.. at kapag makita nya ako tatanguan nya na lang ako.. siguro mahal na mahal niya ang nobya, mukang inspired itong pumasok araw araw madalang na rin akong tatawagan ng mommy nya.
diko maka limutan ang insidente sa locker room kahapon, hindi na ako paslit para di alam kung ano yung milagrong naganap nung oras na yun, napailing nalang ako na nagawa nila yun sa lugar na di dapat Paano kung iba yung naka rinig baka ma expel pa sila. pero Sandali! bakit may bandage ang paa ni Shareena? maayos naman itong maglakad pero mukang may sugat ito. di kaya? naku masyado ata akong judgemental.
" sayang! Ok lang yan!! Wooh go! Go! Go! Team gineering!! Kaya nyo yan! " nakaka gulat itong si heide maka sigaw wagas "oh zaraine bakit parang tuod ka jan cheer mo din si gareth oh! "
" nakaka hiyang sumigaw heide ikaw nalang!"
"TIME OUT!" sigaw ng referee agad nag si puntahan sa tabi ang grupo nila gareth,
" haist kung pwede lang sana mag volunteer na tiga punas ng pawis ako na ang mag pupunas ng pawis ni papa james" pinapakingan ko lang itong katabi ko na laging pinagpapantasyahan si james, napatingin ako sa gawi nila gareth ng makita ko itong nagtangal ng pang itaas na jersey, ngayon ko lang itong nakitang naka hubad amg ganda ng biceps nito mukang alagang alaga sa gym yung mga abs nya mukang ang titigas, " te! Takpan mo! Ang langaw makakapasok! " tinakpan nito ang bibig ko " ano ba heide ang baho ng kamay mo!"
"Ok na yung mabahong kamay kesa malunok mo yung langaw! Kung maka nganga ka diyan wagas! Tsaka te ang Girl friend oh nandyan
" anong pinag sasabi mo jan!"
" asus! Kunwari kapa! Alam kong si gareth yang tinitingnan mo! Teka may gusto kaba sakanya? "
" mag honus dili ka heide baka may makarinig sayo nakakahiya! "
" asus kunwari kapa! Halata naman eh! " bigla akong tumayo at lalabas nalang
" teka nagbibiro lang ako... zaraine!" Diko ko na ito pinansin at tinungo ko na ang pinto papalabas, mukang di ako sinundan nito kaya hinayaan ko na din.
Wala kaming pasok ng isang lingo dahil sa may CLUB SPORTS ang university, wala na din akong sinalihang laro, wala naman akong alam pag dating sa sports.
Papunta ako ngayon sa likod ng building, may isang lugar dun na tahimik mukang walang studyanteng pumupunta kaya naging tambayan ko na din pag gusto kong mag isa.. pag karating ko agad akong umakyat sa puno masarap kasi dito at mahangin malayo sa ingay, mamaya pa ang uwian kaya napag pasyahan kong umidlip muna..
" please daren wag muna ngayon!"
"Shareena kelan mo pa sasabihin sa kanya ang totoo?? "
Napa dilat ako sa narinig ko agad ko itong tiningnan sa baba , hala! Totoo ba tong nakikita ko?? Si shareena? Kayakap ng ibang lalaki? " diko na kayang makita kayo na laging magkasama! "
" pero daren konting panahon nalang! Sasabihin ko sa kanya ang totoo."
" sige hihintayin ko yun shareena mahal kita pero kapag ginalit ako ng gareth na yan! Ako na ang mag sasabi sakanya!"
" daren mahal din kita alam mo yan! Kaya konting tiis nalang kaylangan ko lang mapaniwala sya , promis pag natapos itong semester na ito , lalayo na ako sa kanya!"
Hinalikan ito ng lalaki pero paano na si gareth? Niloloko lang pala sya ni shareena?
" mga hayop!!! " naku agad na sinugod ni gareth yung lalaki at pinag sunsuntok!
" gareth please! Tama na!" Umiiyak na sigaw ni shareena, agad nitong nilapitan si shareena at hinawaka sa magkabilang braso " kelan mo pa ako niloloko??!!!!! Kelan!!!!!" Nanlilisik qng mga mata nito " gareth nasasaktan ako!"
"Nasasaktan? Bakit ako hindi!??? P*tang !na shareena !!"
"Bitawan mo sya!!!!!" Agad na sinuntok nung lalaki si gareth! Napahwak ako sa bibig ko para akong nanonood ng eksena sa movie.. nanginginig ako sa takot kaya di ako makababa pano na to??? Teka tatawagan ko si heide! " hello! Heide humingi ka nang tulong!! dito sa likod sa tamabayan ko nag susuntukan sila gareth dali tawagin mo sila james at jonas!!" Agad kong pinatay ang tawag ng sumisigaw na si shareena
Duguan na ang mga muka nilang pareho " please tama na! " nag mamaka awa ito pero ang dalawa ayaw mabuwag .
" shareena?! " tawag ni jonas na bagong dating kasunod sina james at heide
"Jonas pigilang mo sila please!"
Agad na inawat ni jonas at james ang dalawa,
" bitawan nyo ako papatayin ko ang hayop na yan!"
hay salamat buti at dumating kaagad sila.. medyo naka hinga ako ng maayos.
" ulol! Ang yabang mo! ano ha?! akala mo kasi nasayo na ang lahat! f**K you! "
tumingala si heide sa gawi ko agad ko itong sinenyasan na wag maingay pero huli na ang lahat ng makita ako ni jonas.. agad ko rin itonh sineyasan ng wag maingay nag ka tinginan amg dalawa.
" tarantado kang hayop ka pag sisihan mo ito ! " turo nito sa lalaking kaaway , ngumisi lang ito kay gareth
" At ikaw shareena hindi ko alam kung anong nagawa ko sayo para iputan mo ako sa ulo"!
"Gareth im sorry hindi ko sinasadya! "
" di sinasadya?? Lokohin mo ang lelang mo! Magsama kayo!!" Agad itong umalis kasabay si jonas at james.
Naiwan si shareena at yung daren pati si heide
" shareena ! " hinarap sya nito na lumuluha agad itong umalis at hinabol naman ito ni daren
Nang maka alis sila dali dali akong bumaba mula sa taas ng puno.
"Ungoy kang babae ka! Ano ba kasi ang ginagawa mo dyan sa itaas?? "
"Nagpapahinga! Distorbo yung mga yun nagising tuloy ang dyosa"
" dyosa mo muka mo! Teka ano ba ang nangyayari? " nagugulahang turan nito
" nahuli lang naman ni gareth na may kahalikan yung syota nyang maganda"
"Whaat? "
" at take note matagal na syang niloloko ni shareena! "
"Ay grabe naman pala siya, kawawa naman si papa gareth mukang inlab pa yung tao tsk tsk!"
" anong oras naba? " tanong ko
" four pm na"
" ayos! Maka uwi na nga!" Nauna akong mag lakad kaya hinahabol ako nito " uy sandali!"
***
" o zara maaga ka ata."
" opo manang namis kasi kita"
"Asus kang bata ka, o sya may meryenda jan mag meryenda kana at mamaya tutulungan mo akong mag luto dahil dito mag hahapunan sila mrs castro kasama si sir gareth. "
"Ho ??? Kasama si sir gareth?? " naku patay ang daming pasa ng muka nun
"Oo bakit parang nagulat ka? "
" eh kasi po manang napa rambol yun kanina"
" ano!?"
" manang naman nakakabingi "
"Aba'y bakit anong dahilan? "
nag kipit balikat ako " babae"
" hesus mga kabataan talaga oo "
Nagpapatuloy lang akong kumain at naghuhugas naman si manang
" Bakit sinong naparambol dahil sa babae? " si senyora na bagong dating, napalaki ang mga mata ko diko akalain na marinig kami nito.
" senyora! " napatingin si manang sakin at ibinalik kay senyora
" s_si sir gareth po "
"What? Hay naku yang batang yan di na nag bago!" Inilapag nito ang ang gwantes sa mesa at agad umalis
Dumating ang gabi at tapos na din kaming nakapag luto ni mamang, maya maya may sasakyan na bagong dating " o zara tulungan mo akong mag hain nandyan na ata sila "
Tinulungan ko si manang ihain lahat ng pag kain maya maya nandyan na sila senyora kasama ang mga bisita
" where's garerth? " tanong ni senyora sa mommy nito..
" nasa labas pa susunod na din yun, hay naku maraming make up ang muka nung batang yun ewan ko ba akala ko nag bago na " biglang pumasok si gareth at narinig ang pina uusapan ng dalawang babae
" i know what happened na ikwento na ni zaraine" tumingin silang lahat sakin kasama si gareth na may pagtataka ?
''ah .sige na maupo na kayo"
Naka upo na sila habang kami ni manang busy sa kaka lagay ng mga pagkain sa mesa, , hindi ako makatingin sa muka nya na may mga sugat, habang sina salinan ko ng tubig ang mga baso nila napapansin ko ang mga tingin ni gareth na mukang mananakmal! Naku galit ata sakin ,
matapos ko itong lagyan ng tubig umalis na kaagad ako. Pag karating ko sa kusina naka hinga ako ng maluwang, nakakatakot yung tingin nya, bakit ako? Wala naman akong kasalanan!
" halika ka nga dito " hinila ako nito papalabas ng kusina, dinala ako nito sa may garden.
" gareth nasasaktan ako!" Binitiwan nito ang palapulsuhan ko
" pano mo nalaman na napa rambol ako? " naka talikod ito habang tinatanong ako madilim sa gawi namin kaya walang makakapansin na may tao,
" nakita ko kayo kanina"
" paano eh si jonas lang at si james at -- " naputol nito ang sasabihin
"Ako ang nagpatawag kay jonas at james! "
" so narinig mo ang lahat? "
" oo mula umpisa hangang natapos ang drama nyo!"
Humarap ito sakin may mga band aid ang muka nito,
" anong narinig mo sa pinag uusapan ng dalawang yun? "
"Ang alin ? Yung matagal ka nang niloloko? O yung ang tagal nilang matapos mag halikan?"
Natahimik ito sa sinabi ko, " sorry! " hinging paumanhin ko.
" ang sakit! Ang sakit sakit maloko " tinitigan ko ito at kitang kita ko ang mga luha na dumadaloy sa muka
"Zaraine hindi mo maintindihan dahil hindi kapa nag mahal, hindi mo maiintindihan dahil hindi kapa niloko "
" maaring di pa ako nakaranas mag mahal ng lalaki at naloko pero ramdam ko yang sakit na nararamdaman mo dahil iniwan na din ako ng mga taong mahal ko, maaring mag kaiba pero parehong masakit!"
Bigla itong yumakap sakin nagulat pa ako kasi sobrang dikit nito nararamdaman ko ang pag pintig ng puso nito , humihikbi ito sa balikat ko kaya niyakap ko na din ito,
"thank you zaraine ! Thank you dahil naiintindihan mo ako, "
" nandito lang ako gareth, handang pakingan ka , "
bimitaw ito sa pag kakayakap at nag punas ng mga luha.
" thank you"
" zara ! Sir gareth! "
"Manang!" Sabay naming bigkas.
" zara kaylangan kita sa kusina, sir gareth hanap na po kayo ng mommy nyo"
Agad akong naglakad papuntang kusina, nakita kaya ni manang na magkayakap kami? ..
" zara paalala lang ha! Nag aaral ka pa. "
"Manang nag uusap lang po kami dinadamayan ko lang sya dahil may problema"
"Diyan nag uumpisa sa pagdamay ang lahat hangang sa mahuhulog ka, basta inaalala lng kita"
"Opo manang salamat po"
hindi naman siguro ako mag kakagusto sa kanya..hindi nga ba? Baka pero hangang pag kagusto nalang siguro? Dahil nakakabatang kapatid lang ang tingin nito sakin.oo aaminin ko na gagwapuhan ako sa kanya , normal dahil gwapo nga ito pero hangang dun lang!