Gareth's P.O.V Its been twenty four hours na hindi s'ya makontak. Halos magdamag ko itong tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. "Bro! Can I talk to Mishelle? Yes please thank you." "Gareth? Napatawag ka?" "Hihingiin ko sana cell number ng Mama mo." "Bakit? May problema ba?" "Kahapon ko pa hindi matawagan si Zaraine. Ang sabi niya pupuntahan niya ang bahay nila sa Taguig." "Ano? Sige sige isesend ko ang number ni Mama." Binaba ko na ang tawag at palakad-lakad sa loob ng kwarto namin. Sana lang naroon siya sa bahay ng Mama ni Mishelle. Baka busy tapos hindi niya naririnig ang tawag ko. Pero hindi ganun si Zaraine. She always pick up all my calls to her. Napasabunot ako sa buhok. Parang gusto ko na siyang puntahan ngayon din. Biglang tumunog ang cellphone at taranta

