Gareth's POV Matapos ang nangyari sa conference ay agad kong pinatalsik itong si Mr. Arevalo. Nalaman ng private Investigator namin na isa itong bayaran upang pabagsakin ang kumpanya. malakas ang kutob namin na sa kabila ito at ginawang ka kuntsaba. Wala pang kasiguraduhan dahil maingat ang mga galaw nila. Ayoko sana pumunta sa opening party nila. Pero parang may nag-udyok sakin na pumunta. Mamayang gabi na yun kaya napatingin ako sa palapulsuhan. Alas-kwatro na ng hapon. tumayo ako mula sa pagkaka-upo at Dinampot ko ang itim ng envelope na naglalaman ng invitation card. Tinitigan ko muna ito bago humakbang palabas ng opisina ko . Mag Alas-otcho na ng dumating ako sa Venue. Black and red ang motif? Mukhang tamang-tama lang ang dating ko ng magsasalita na ang Emcee sa taas ng Stage.

