Chapter 5 Kumpara sa bahay na tinutuluyan namin ni Sir Liam sa Lipa, mas malaki ito. Ibang iba ang disenyo at mas mukhang mamahalin ang mga furniture dito. Sobrang tahimik rin, dahil narin siguro sa malalayo ang agwat ng mga bahay dito. Kahapon sabi ni Sir Liam dito raw muna kami titira pansamantala. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, pero parang mas gusto ko rito. Para kase akong nakatira sa palasyo. May pool sa rooftop, may baking room sa second floor, may art room. May tatlong malalaking kwarto at ang master's bedroom. Mas malalaki rin ang aircon dito, kaya't mas lalong malamig. Kung pwede nga lang ay hindi na ako aalis sa kama at doon nalang buong maghapon. Padapa akong humiga sa kama at katulad kahapon, parang isang turon na ipinaikot ko ang sarili sa kumot. Ang lambot. Hotel ba

