Chapter 31 When I woke up it was already five. Magdidilim na at iba na ang posisyon ko. Wala na 'rin si Sir Liam sa lap ko. Nang umupo ako ay natanaw ko kaagad si nanay sa kusina. Mula dito ay amoy na amoy ko ang amoy ng ginigisa niyang bawang at sibuyas, ang bango! Tumayo ako at nag-inat. Anong oras kaya sila dumating? Pumunta ako sa gilid ni nanay at pinanood siya sa ginagawa. Mabilis niya akong tinapunan ng tingin. "Kanina pa kita ginigising, ikaw sana ang paglulutuin ko." Umirap ito. "Ayaw mo lang yatang magluto kaya hindi ka gumigising." Napatawa ako. Ginigising niya ako? 'Di ko naman naramdaman. "Hindi, ah! 'Di ko nga alam na dumating na kayo, e." "Nakapag-enroll ka?" Tanong nito. Hindi pinansin ang sinabi ko. Tumango ako at kumuha ng baso. "Oo, mga ala-una mahigit nandito na

