Chapter 92

2477 Words

Separated Loveby larajeszz Chapter 92 Jaycee's POV "Dahan-dahan naman! Hindi mo na kami kailangan salubungin, okay?" nakapamaywang na saway sa akin ni Cally. "Baka mamaya madulas ka pa r'yan!" "Sorry na. Excited lang," nakangusong sagot ko. Paano ba namang hindi ako ma-e-excite? Eh, halos minsan na lamang kaming magkitang lahat! Hindi niya rin naman ako natiis dahil niyakap niya pa rin ako. "Maayos ba kayo ni baby?" tanong ni Cally matapos ang yakapan namin. Nakangiti naman akong tumango. "Hi, Jay!" salubong ni Aiden. Niyakap niya ako saglit at lumuhod sa harapan ko para batiin ang anak ko. "Hi, baby! Na-miss mo ba si ninang?" Tumingin sa akin si Aiden na parang may hinihintay. "Ano? Sumipa ba siya?" Dahan-dahan akong umiling. Tumayo siya sa harapan ko na laylay ang mga balikat. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD