Separated Love by larajeszz Chapter 87 Jaycee’s POV “Jay, we’ll leave in five minutes!” Mas binilisan ko ang pagkilos nang marinig ko ang sigaw ni Kuya Jaywen mula sa labas. “Sige, Kuya! Patapos na ako mag-ayos!” sigaw ko pabalik. Hindi naman ako sobrang kupad pero ang bilis nila ni Matthew mag-ayos ng sarili! Hindi ko alam kung ganoon lang ba talaga ang mga lalaki o talagang excited sila ngayon. “Ate Jay, take your time. ‘Wag kang masiyadong magmadali at baka mapaano ka pa. Ikaw rin naman ang dahilan kaya pupunta ‘yong iba,” sabi ni Matthew mula sa labas ng pinto ko. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin at mas kumalma na ang kilos ko ngayon dahil sa sinabi ni Matthew. Bumuntong-hininga ako at mas may kabagalan nang nag-ayos ng sarili. Nagyaya kasi si Isaac sa aming magkakaibiga

