CJ & Adam

1201 Words
"Ano!?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa lalaking may mga asul na mata na kasalukuyang katabi ko at naglalakad. Matagumpay kaming nakatakas sa fence ng school dahil may alam akong lusutan palabas at tsambang walang nakakita sa amin. Ngayon ay naglalakad kami sa kalsadang dinaanan ng kotse namin papuntang school para nga daw 'lumayas' though, I don't see how walking on a 50 year old road between two plain fields under the hot prickling afternoon sun can be considered as running away. Sa ngayon ay nagkukwento siya ng mga bagay tungkol sa kanya at nagulat ako sa mga isiniwalat niya. "Yes." "No way!" "Uh huh." "You're messed up, Kulot. So messed up." Iiling-iling kong sambit at parang hindi ko parin matanggap. "It's true, I like your sister." Bulong niya that made me make a face out of disgust at lumayo pa ng konti sa kanya habang naglalakad. "You're out of your mind! Bakit!? Bakit sa lahat ng babaeng pwede mong magustuhan si Larth pa!?" Naguguluhan kong tanong dito. "Isn't that self explanatory? I mean, half the boys in school are literally in love with her. Tsaka what's not to love? Your sister's perfect." Kibit balikat niya akong sinagot at itinago pa ang simpleng ngiti na nahuli ko rin naman. "Yes, she is! In terms of kaartehan talagang perfect sya doon! Tsaka, are you for real na half of the boys in school ay pinagpapantasyahan siya!? That's gross!" Nandiri pa ang mukha ko sa naisip. "Boys will be boys, but not all of us." Gatong nito. "Alam mo, yung mga nagsasabing 'not all boys' ay yun talaga ang mga may problema." I suspiciously stared at him, scrutinizing his face as I held my laughter. "Hindi rin." Umirap ako sa ere pero napangisi rin. "Stick with what you believe in, I don't care." Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kaliwa ko kung saan kaming malapit na field at ngumiti, "Tara na nga lang muna dito! Naii-stress ako sa mga sinasabi mo!" Hinila ko ang braso niya papunta sa damuhan. "Minsan na rin akong humiga dito, try mo, nakakaginhawa." "Kasama mo rin ba si Larth dito?" "Yuck! Hindi nga lumalabas yun ng bahay kung hindi aayain ng mga friends niya." Binitawan ko ang braso niya para mag isang humiga sa damuhan at tumingala sa langit. Sumasang ayon ito sa amin nang takpan ng mga ulap ang tirik na araw at hipan kami ng hangin. Naramdaman kong humiga ng hindi gaanong kalayo sa akin si Kulot at nang matansya kong mga ilang matataas na d**o lang na humaharang sa pagitan namin ay ipinikit ko na ang mga mata ko, "Hindi mo naman siguro ginagawa 'to para hingian mo ako ng tulong na makipag date sa ate ko 'no?" Tanong ko rito at naghintay ng sagot habang nilalasap ang kaginhawaang dulot ng simoy ng hangin. Iyon lang ang maganda sa lugar na ito kahit gustong-gusto ko nang umalis. Ang simoy ng hangin na nakakapagpa kalma ng kalooban ko. "Hindi ah. Totoo ako sa mga salita ko." "Mabuti naman." "Pero, can I ask you questions about her?" "No." "Why not?" "Kasi, that's weird." "Asking questions about your ate is weird?" "Yes, at kung talagang gusto mo siya ay hindi mo ipagpipilitan ang sarili mo sa kanya." Pikit mata kong sagot. "Hindi ko naman pinagpilitan ang sarili ko sa kaniya ah." I felt him shifting on the field just beside me so my body tensed up because I could barely sense his hot breath through the grasses standing between us. "Doon narin papunta yon." Tumikhim ako para i-compose ang sarili ko. Wala nang salita pa ang narinig ko sa kanya kaya ngumiti ako ng palihim dahil dito at naisipang umidlip na lamang ng kaunti. Ilang minuto rin ang itinagal namin sa damuhan ng mapag desisyunan naming umalis na. Wala kaming eksaktong lugar sa isip na gusto naming puntahan kaya pumara na lang kami ng sasakyan sa kalsada at saktong ang huminto ay ang kakilala kong si Kuya Ben na anak ni Poppa, dala ang pick-up niya. Nagsinungaling na lang kami na may importante kaming kailangang gawin sa Bayan kaya kami pumapara ng sasakyan at naniwala naman ito kaagad. Kasalukuyan kaming nakaupo sa likod ng pick-up habang nakataas ang dalawang kamay sa ere at naguusap, "Hindi ko alam, parang kinakabahan ako sa gagawin natin, syempre first time ko namang mag cutting class kaya hindi pa ako sanay at takot pa ako sa kung anong pwedeng mangyari kung mahuli tayo." Sambit ni Kulot na ibinaba na ang kamay. "Ano ka ba naman, kaya nga kasama mo 'ko diba!? Nandito ako para maging guide mo o kung ayaw mo edi balik na lang tayo sa school tapos kausapin mo na lang yung papa ni Smith sa–" "Okay fine, I'm staying with you." Parang babaeng umirap ito at itinaas ulit ang mga braso niya kagaya ko. "Ayaw mo nun? instant money ka sa papa ni Smith?" Tumawa ako ng malakas na ikinainis ni Kulot. "Nakakarindi ka pala tumawa?" "Lahat na lang ng bagay pinupuna mo sa akin! Namumuro ka na Kulot ah!" Tumayo ako at humarap sa kalsada habang nakakapit sa railing ng pick-up ni Kuya Ben at muntik pang mahimatay si Kulot nang medyo gumewang ako. Napangiti ako sa view sa harap ko kaya inaya ko siya, at nakakagulat na sumunod na rin naman ito. "Alam mo, my name's Adam. Not Kulot." "Talaga? Well, I don't even care, I'll call you whatever I want." "Psh, So I could also call you whatever I want?" Tumango ako bilang pagsang ayon, "Like, Clara?" Napangiwi ako sa narinig, bwisit naman oh! "Anong Clara!?" Hinampas ko ang braso nito ng mahina. "Bakit? Ikaw nga tawag mo sa akin Kulot tapos nung tinawag kitang Clara nagalit ka?" "Kulot ang tawag ko sayo kasi may dahilan naman iyon, kulot ka namang talaga ee! Ang problema, saan mo naman nakuha iyang Clara!?" "Hindi ba that's your name?" "Ha?" "CJ stands for Clara Jane, right?" Tinitigan ko siya ng ilang segundo at sinabihan siyang "ikaw na yata ang pinaka kawawang tao sa mundo" gamit ang mga mata ko. "Saan mo nakuha ang pangalan na yan ha!? Hibang kaba?" Pagsigaw dito. "Sabi kasi ng mga students yun daw ang meaning ng CJ mo." Napatikhim ako pagkatapos bumuga ng nagtitimping hangi at tumingin na lamang sa harapan ko bago sumagot, "CJ." Mababang sambit ko pero narinig pa rin niya ito. I threw him a glance before explaining, "That's my name, walang kahulugan. CJ talaga ang pangalan ko." "Bakit ganon? Ang ate mo naman two names ang meron siya." Takang tanong nito na ikinangisi ko. "Wala. Malapit na tayo." Pag iiba ko ng usapan nang makita na malapit na kami sa Bayan, ang Sentral ng lugar namin, dito maraming mga tindahan at kung saan kadalasan nagaganap ang mga bagay-bagay. Hindi naman niya napansin ang pag iiba ko ng usapan kaya nakahinga ako ng maluwag bago marinig ang boses ni Kuya Ben na tinatawag kami. "Nandito na tayo!" Nakasilip siya sa bintana ng kotse niya kaya nginitian namin siya pareho at nag-thank you bago tumalon pababa ng pick-up nang bumagal ito ng takbo. Mabilis kaming nagpaalam sa kaniya at nakangiting tumatakbo patungo sa kung saan na kahit kami at hindi alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD