"What the f**k happened?" Nakatunganga lang ako habang nakatingin sa pader. Pinapakinggan ko silang nagbabangayan sa bagay na kahit ako hindi ko masagot-sagot lalo pa't wala dito 'yung may utak; si Nathan. "Hala, Chels. Dumudugo ilong mooo.", natataranta na sambit ni Hesly at may kinuhang panyo. Nabalik naman ako sa ulirat at napahawak sa ilong ko. Nakumpira kong dumudugo nga ito sa hindi malaman-laman na kadahilanan. Agad kong hinablot ang panyo ni Hesly at linagay ito sa may ilong ko. "Ano ba kasi ang nangyari, Chels? Hindi namin alam kung napano ka.", nag-aalalang tanong ni Hesly. "Pucha, Chelseababes. Nagaalala ako sayo pero tuwang-tuwa ako na sinunog mo classroom natin. Ayos ka talaga! Mahal na talaga kita, pakiss naman-" Nanlaki ang mga mata ko ng sabay itong pag hampasin ni He

