"Hala ang ganda, Insaaaan!" Namamanghang wika ng katabi ni Chelsea matapos silang bumaba sa napakalaking dahon. Nasa tuktok sila ng napakalaking puno kung saan dito nila napansin ang isang fountain na naguumapaw sa fairy dust dahilan upang palibutan sila ng fairy dust. At kaya pala mula sa malayo ay parang pinaliliguan ang fairy dust ang puno dahil sa fountain na nakatayo sa gitna. Hindi rin makapaniwala si Chelsea dahil ang kanilang inaapakan na mga dahon ng puno ay matigas at makapal dahilan upang hindi sila agad mahulog. "May iba pa pala kayong mga kasama..." Wika ni Titiana rito at hinarap ang dalawa. "Matanong ko lamang, bakit kayo naparito sa aming tahanan?" Hindi mawari ni Chelsea kung bakit panay ang kaniyang paglunok at kung nakailang lunok na ba siya kanina pa. Marahil ay

